ENTRY THIRTEEN

163 7 2
                                    

[Shy's POV]

"Tom!" Tinawag ko si Max. Lumabas na rin siya sa wakas sa bahay nila. Ang tagal ko lang naghintay ha! Psh.

"Oh, Tom! Buti naman at hindi ka sinundo ng unggoy."

"Oo nga eh! Nakatikim kaya yun sakin ng magagandang salita kagabi!^___^"

"Huh? Bakit, ano'ng sabi mo sa kanya Tom?"

"Hehe. Basta Tom! Nasarapan yun sigurado sa mga pinagsasabi ko sa kanya! Haha."

"Huh? Eh, ang gulo mo namang kausap Tom eh! Psh."

"Eh..Basta! Tapos binabaan ko pa siya ng telepono! Hahaha!"

"Ow? Talaga Tom? Eh di nagalit yun?"

"Oh, eh ano ngayon? Siya naman nagsimula eh! Pagsabihan ba naman akong palaka? Psh.! Neknek niyang butiki siya! Hmpff!"

"Enough na nga Tom! Ang aga-agapa para masira ang mood mo. Wag na nating pag-usapan yan. Wala naman tayong magagawa eh."

"Tss. Nga naman."

Sumakay na kami sa jeep na dumaan.

"Tom..." Tawag ko kay Max.

"Hmm?"

"Handa ka na bang sabihin sa akin yung secret mo?"

"Anong secret?"

"Yung dahilan mo kung bakit hindi ka makakasama sakin sa huwebes sa birthday ni Gracelynn."

"Ah.. Yun ba? Uhmm, pwede sa susunod na lang? Kung okay lang sa'yo."

"Syempre okay lang sakin. Ano ka ba!"

He then smiled at me. Kahapon ko pa napapansin na parang may iba kay Max. Maybe this has something to do with that 'secret' of him.

Hindi nagtagal ay nakarating rin naman kami sa school. As usual, inihatid niya muna ako sa room ko bago siya pumunta sa room niya.

"Bye Tom! Salamat!" Kumaway ako sa kanya.

"Bye din Tom! Mamayang lunch ha?"

"Sure!" Pumasok na ako sa room ko.

Nagulat ako nang bigla na lang may humalik sa akin sa pisngi. At pagtingin ko...sino pa nga ba?

"Ano ba?!"

Ang nakangiting mukha niya ay agad namang sumimangot.

"Tss. Wag mo akong daanin sa ganyan Ulap!" Dumiretso na ako sa upuan ko. Pero hindi ko alam na isang surpresa ang naghihintay sakin.

O_____________________O

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nananaginip ba ako?

Pwedeng sampalin niyo ako? Baka kasi panaginip 'to eh! Ayoko ko nang magising! Uwaaaa!

DVD ng complete episodes ng Kurosagi!!! Tsaka may three..'violet?'...roses pang kasama tsaka note. Pero ang talagang ikinasaya ko ay ang Kurosagi! Uwaaaaaaa! Matagal ko nang gustong magkaroon ng complete copy ng episodes niyan! Hirap pa namang idownload yan sa internet.

Hindi talaga ako makapaniwala!

Binasa ko ang note na nakalagay. Ang mga kaklase ko naman ay hindi naimik. Halata namang pigil lang ang pag-"ayeeeee" nila.

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon