ENTRY TWENTY-SEVEN

64 3 1
                                    

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" kaharap ko ngayon ay walang iba kundi ang walanghiyang pinsan ni Cloud na si Nelson. Bigla niya akong sinalubong pagkalabas at pagkalabas ko ng gate.

"Ganyan ka bang maggreet ng goodmorning?" At may gana pa itong ngumisi.

Hindi nakakatuwa.

"Ano naman ang good sa morning, eh andito ka?" nilagpasan ko siya at pumara sa taxi na dumaan. Magtataxi na lang ako ngayon. Tinatamad kasi akong maglakad papunta ng sakayan ng jeep. Hindi kasi makakasam ngayon sa akin si Max. May dadaanan pa raw, eh.

"Teka, akala ko ba magkaibigan na tayo?" sumunod siya sa akin.

"Kailan lang?"

"Uhh? Maybe three days ago?"

And with an instant, naalala ko ang ginawa nitong pang-i-intrude sa pamamahay namin. Hindi pa pala nalalaman ni Cloud ang buo niyang ginawa. Ang alam lang nito ay pumunta siya sa bahay namin. 

"Hindi ako nag-"oo" sa'yo. Wag kang feeler." Mas mabuti nga sigurong hindi ko na lang sasabihin ang malaking kasinungalingang sinabi niya kay Tita. 

Alam kong malilintikan siya pag nalaman ng boyfriend kong hilaw ang ginawa niya.

Wait... Did I say 'boyfriend' ko? Yuck! Forget what I said.

"Shy naman, eh!"

Akalain mo 'yon? Sumama pa sa'kin sa taxi.

"Dahil sumama ka sa'kin ngayon, ikaw magbayad ng pamasahe."

"Ganun lang ba? That's not a problem." ngumiti siya sakin. Ow...kay. Fine! Gwapo na siya! Oo na! Eh alangan naman pumangit siya, eh pinsan nga siya ni Butiki 'di ba? Masakit man sa damdaming aminin, pero gwapo naman talaga kasi si Butiki.

Ah ewan! Hindi naman mukha ang pinakikisamahan natin 'di ba? Kaya kahit gwapo siya, kung pangit naman ang ugali, wala paring kwenta. Psh.

Mabuti naman at hindi na rin ito umimik sa biyahe hanggang makarating kami ng school. In faireness, siya nga nagbayad ng pamasahe. 'Di bale, marami naman siyang pera.

"Oh, bakit andito ka pa? Papasok na ako, pwede ka nang umalis."

"Samahan kita hanggang sa loob."

Say what? Pati ba naman dito peperwisyuhin niya ako? Hindi na talaga nakakatuwa.

Hinila ko siya sa gilid ng gate.

"Nababaliw ka na ba Nelson? Eh, kung makita ka kaya ni Cloud? Naghahanap ka ba ng gulo?!" mahina lang ang pagkakasabi ko pero ipinarating ko sa kanya ang intensity ng nais kong sabihin. Hindi naman kasi nag-iisip eh.

"Sige na nga. Dahil ikaw ang nagsabi, eh 'di sundin." Ngumiti na naman siya sa akin.

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Where stories live. Discover now