ENTRY THIRTY

47 1 0
                                    

Nakita ko si Nelson na nakaupo sala. Kawawa naman. Si Cloud, merong Shy na nag-aalaga. Siya kahit maid man lang wala. Mag-isa niyang ginagamot ang mga sugat niya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya .

"Ba't di mo sinamahan si Shy sa loob?" tanong agad niya.

"Hindi naman kaya ni Cloud na gumawa ng katarantaduhan. Wala na siyang lakas."

Nagkibit-balikat lang siya at hindi na nagsalita. This is my opportunity na tanungin siya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Uhmm, Nelson."

Tumingin naman siya sa akin. "Bakit?"

"Ano kasi. Nagtataka lang ako. Alam kong alam mo na girlfriend ni Cloud si Shy. So bakit---"

"FAKE girlfriend."

Teka... Alam niya? Paano? Akala ko ba kaming tatlo lang ang nakakaam neto?

"Alam ko dahil inalam ko. Magtatanong ka ba kung bakit ko ginawa ito?"

Manghang napatingin ako sa kanya. Can this guy possible read what's on my mind? Nah. Impossible.

"Uhh? Yep? Nakapagtataka lang kasi nang ginawa mo especially 'yong part na nagpakilala kang boyfriend ni Shy sa tita niya."

Iniligpit niya ang gamot at itinabi. Saka siya sumandal sa sofa at ipinatong ang braso niya sa likod ng ulo niya.

"Mahirap intindihin Max."

Aba't pati pangalan ko alam niya? Spy ba siya?

"Eh di ipaintindi mo sa akin."

Tumingin muna siya sa akin at nagbuntong-hininga.

"Mahirap mang paniwalaan pero ginawaga ko ito para sa kanila."

"Ha? Paano?"

Muli siyang napabuntong-hininga.

"Alam ko ang larong ginawa ni Cloud. Alam kong hawak niya sa leeg si Shy. At alam kong hanggang limang buwan lang sila. At hindi mo man alam, pero handang kalimutan ni Cloud si Shy pagkatapos ng kontrata. Dahil hindi siya naniniwalang nagtatagal ang pag-ibig. Hindi niya nga halos binibilang sa category ng 'love' ang pagtingin niya kay Shy."

Napakunot ang noo ko. This is unbelieveble! Eh himingi pa nga siya ng tulong sa akin!

"Paano mo nasabi yan? Halos gawin nga lahat ni Cloud para kay Shy!"

"Nabasa ko ang diary ni Cloud, kaya alam ko ang lahat."

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon