ENTRY ONE

421 18 11
                                    

“Sandali na lang! Bababa na po!”

Kanina pa tawag ng tawag ang tiyahin ko sa akin. Nandiyan na kasi ang sindo ko, este ang bestfriend ko pala…si Max. kapitbahay ng tiyahin ko. Dito na ako tumira sa tiyahin ko simula noong iwan kami ni tatay at pinagpalit sa babae niya. Si nanay naman lumipad na papuntang Singapore. Pinapadalhan na lang niya kami ng pera buwan-buwan. Si kuya Abel  na panganay namin naman ay may asawa na. 2 years ago nang ikasal sila ni ate Liz. Ngayon ay may pamangkin na akong babae:’))). Ang bunsong kapatid ko naman ay nasa lola ko. Kinuha siya ng lola kahit labag sa loob ko. Malapit pa nama iyon sa akin. Pero tutol man, walang naman akong magawa.

“Tom! Bilisan mo! Late na tayo!”

“Sandali na lang! nandiyan na!” kinuha ko na ang eyeglasses ko at isinukbit ang bag ko at patakbong bumaba sa hagdan.

“O, dahan-dahan naman! Baka mamaya, matapilok ka!”

“Shunga ka talaga Tom! Pinapadali mo ako tapos sasabihin mong dahan-dahan?”

“Eh, ang ibig kong sabihin, bilisan mo ang paggalaw pero mag-ingat ka naman! Ikaw talaga. Tara na nga!” Binitbit niya ang isa sa dalawang libro kong dala. Physics at Chemistry iyon. Naku, parang mukha ng walanghiya kong kaklase, napakakapal! >__<

“Sakay na.”

Tumalima naman ako. Tabi syempre kami ng bestfriend ko. Si Max? ewan ko kung bakit ko naging bestfriend ‘tong makulit na ‘to.  Grade 5 ako nang makilala ko ang kulokoy na ‘to.  Medyo hindi pa nga maganda ang pagkakakilala namin eh. Pero isa iyon sa pinakapaborito kong  insidente sa buhgay ko…

*flashback*

Grade five ako nun.

"Shy Grace Abellar!"Napapitlag ako sa upuan ko nang marinig kong tinawag ng teacher ang pangalan ko.

"P-Po?"

"Wala ka na namang assignment?"

"Ha?" Assignment?Meron naman ah? Gumawa kaya ako kagabi.

"Where's your assignment?"

"Nakagawa po ako maam." Kinabahan na ako. Ganito kasi sa school namin. Ang mga walang assignment ay pinapalabas at linalagyan ng "Walang Assignment" sa noo. Talagang nakakahiya pag ganun. Isang beses ko nang na-experience yun.Noong grade two ako. Umiyak talaga ako nun. At hinding-hindi ko na gustong maulit yun.

"Hindi ko tinatanong kung nakagawa ka ba o wala. Ang tinatanong ko ay kung nasaan na?" Psh. Maldita talaga ang teacher naming yun. Dinosaur ika nga. Tsk. Yung ibang teacher, pag first time na hindi nakagawa ng assignment ang student,ini-excuse muna. Next time nalang daw ang penalty.May warning pa kung baga. Pero si Ms. ALvarez? Nah. Matandang dalaga kasi. Kaya super sungit.

"Na-pass ko na po maam?" Hindi kasi ako sigurado kung na-pass ko nga o wala. Basta I'm sure, nakagawa ako. And I'm sure, nadala ko kanina dito yun. Chineck ko pa nga kanina sa jeep eh.

"Eh nasaan nga? Hanapin mo diyan! At ipakita mo sakin!" Oo na po Ms. Dinosaur! Ipakain ko pa sa'yo eh. >___<

Hinanap ko ang papel ko mga papel na padabog niyang pinatong sa desk ko. Ang mga kaklase ko ay nakatingin lang sakin. Second to the last na etong papel na hawak ko. Hindi ko pa rin nakikita ang papel ko. Patay. >___<

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon