ENTRY SEVEN

251 14 11
                                    

[Cloud's POV]

She agreed! She agreed! Woooohooooooo! Hindi ko talaga mapigilang hindi  ngumiti.

"Ang saya po natin ngayon ah?" Puna sakin ng driver namin. Hindi na iba samin ang mga katulong namin. Hindi naman kasi kami pinalaking mga matapobre. Naaawa rin kami sa mga mahihirap. Kaya nga close namin ang mga katulong namin eh. Minsan nga mas nakakausap ko pa sila kesa kina daddy at mommy.

"Masaya po talaga." ^__^

"Aba? Bakit iho? Anong meron? Sinagot ka na ng nililigawan mo?" Naikwento ko kasi sa kanya ang about kay Shy. Nagtataka kasi siya nung hindi ako nagpapasundo sa kanya sa school, kaya sinabi kong nag-s-stalk pa ako kay Shy. Natawa naman siya at sinuportahan ang kabaliwan ko. ^___^

"Uhmm... Parang ganun na nga po?"

"Talaga? Mabuti kung ganun."

"Oo nga po eh. Sa susunod na mga araw, kasama ko na po siya. Ihahatid po natin siya everyday. Okay lang po ba?"

"Nakung bata ka. Alangan naman hindi? Syempre okay na okay! Kaygandang bata yun eh." Naipakita ko na sa kanya ang litrato ni Shy. Yup, meron ako. Stalker nga diba? At ganun kami ka-close ni Manong Ernel, ang driver namin.

"Oo nga po. Nga pala, bukas po sunduin natin siya sa kanila."

"Eh dapat agahan mong kumilos."

"Hehe. Oo nga po."

"Haha. Ikaw talaga."

Napangiti na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kami na ni Shy. Kahit alam kong napipilitan lang siya, masaya pa rin ako. Makakasama ko na siya eh. 5 months. Madaling panahon lang yan. Pero kahit gaano pa kaikli ang panahon na yan, gagawin ko ang lahat para mahalin rin ako ni Shy. I will make her fall for me, like how I've fallen for her...

[Shy's POV]

♪ Well I wonder, could it be

When I was dreamin' 'bout you baby you were dreamin' of me

Call me crazy, call me blind

To still be sufferin' is stupid after all of this time♪

"rrhhmmmmmmm..... Five minutes na lang..." Inabot ko ang phone ko tapos pinatay ang alarm. The Day You Went Away kasi ng M2M ang alarm tone ko. One of my fave bands.^__^. Antok pa talaga ako. Madaling araw na kasi akong natulog eh. Walanghiyang Cloud kasi yun. Inumaga na ako ng tulog sa kakaisip kung ano ang mga gagawin ko bilang "girlfriend" niya. Sh^t lang. why do I even care diba? Tss. Iinisin lang naman ako nun. Psh.

♪It seems like yesterday when I said 'I do'

Ang after all these times my heart still burns for you

If you don't know by now that you're my only one

Take a look inside me and watch my heartstrings come undone♪

Ay shete! Ano ba naman yan! Pagkatapos ng alarm, call naman? Psh. Hinayaan ko lang na tumugtog ang phone ko. Antok pa talaga ako eh. Tsaka maganda naman ang music eh, Safest Place to Hide ng Backstreet Boys kasi ang ringing tone ko. Sarap pa ring gawing lullaby. Hehe.

(,,- -)

Maya-maya pa'y narinig kong namatay na ang music. Pero hindi pa nakaabot ng 5 seconds pagkatapos mamatay ng music ay tumunog na naman ulit.Shete! Sino ba ang estorbo na to? =___= Masagot na nga lang.

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon