BLOOD 21 [Thank you, Dj..]

78.3K 1.5K 186
                                    

 

Chapter 21

KATHRYN'S POV.

Naramdaman kong may tumutulo sa mata ko.

Hindi ko alam, pero basa ang mga mata ko.

Am I crying?

Bakit?

Because..

.. they know the truth?

Kasi, mas kilala pa nila ako kesa sa sarili ko?

Bakit ganun?

Diba ginusto ko to? Gusto kong makilala ang sarili ko? Gusto kong makumpleto. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ako.

Eh bakit ngayong sasabihin na nila, parang ayoko na?

Parang, pag narinig ko na lahat, mawawala na sakin lahat ng meron ako ngayon. Ayokong mangyari yun.

"Dear, wag kang matakot. Wag kang umiyak. Kaibigan kami." Sabi nung matandang babae. Tapos napakaraming tao sa likod niya. Mga sampu.

Para akong dinukot ng isang sindikato. Sabi pa nila, sasabihin nila ang lahat sakin. Mababait daw sila.

And you know who they are?

Vampire hunters.

Kaya ayokong magtiwala. Pumapatay kaya sila ng mga tao-- Errm, mga half na tao!

Hindi ako umimik sa kanila. Tinitigan ko lang sila habang may tulo pa rin ng luha ang mata ko. Hindi ko alam na dadating pala ako sa point kung saan hindi ko na alam ang gusto ko.

Nagkatinginan silang lahat na mga vampire hunters. Siguro leader yung matandang babae sa unahan.

 

"Sigurado ba kayong siya yun?" VH1

"Bakit parang takot na takot siya?" VH2

CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon