BLOOD 38 [Sam's Side Story]

68.3K 1.4K 291
                                    

So, special chapter muna bago ko ipost yung continuation ng Debut ni Kath. Eto muna para hindi masyadong magulo. Hahaha. Wag po kayong mag-expect ng malaki sa kinalaman ni Sam sa dalawa. Kailangan niyo 'tong basahin kasi nandito kung sino si Sam sa buhay nila. Madaming mabubunyag dito. :))

Well, yun lang po. K, start na!

 



Isang sulyap sa nakaraan ng isang bampira..

Chapter 38

SAM'S POV.

         "300 years ago.. I was young, it was raining. And I hated her."

"Samuel! Maaari mo bang dalhan ng pagkain ang prinsesa sa kwarto niya?"

Napatingin si Samuel sa aleng kumausap sa kanya. Halata sa mukha niya na ayaw niyang dalhan ito. Pero dahil naaawa na siya sa ale na mukhang sobrang pagod na, kaya nakonsensya na din siya. Hindi siya sumagot at imbis ay kinuha nalang niya ang hawak na pagkain ng ale.

"Maraming salamat, Samuel!" Isang malaking ngiti ang ibinigay sa kanya ng ale.

Hindi na nya ito pinansin at pumasok na siya sa kwarto ng prinsesa.

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto, isang malamig na tinig ang narinig niya.

"Hmmmm~ Mmhmm~ Hmmm~"

Napatigil siya sa pinto at pinakinggan ang tinig ng prinsesa na nagha-humming.

Nakatitig ang prinsesa sa bintana at pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan na mula sa bintana.

"Oh! Samuel! Nandiyan ka pala!"

Napansin na siya ng prinsesa at nilapitan siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

 

"Nothing. Here's your food."

 

"Ah! Thank you!"

CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon