Author's Love Letter =)

56.2K 799 63
                                    

Hello! <3

HAPPY VALENTINES DAY!!!!!!!!!! 

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat na nagbabasa ng story na 'to. Maraming salamat po. <3

Love letter ko to para sa inyong lahat. Madami kasing nagtatanong sakin. Dito ko sasagutin lahat ng mga questions niyo. :)

Hindi ko inakala na madaming susuporta sa story ko na 'to. Inumpisahan ko lang ang paggawa ng stories out of boredom. At sobrang thankful po ako at sinuportahan niyo ako. :))

Sasagutin ko na yung mga tanong niyo. :)

1) Ano pong real name mo?

Eto. Madaming nagtatanong talaga. Actually, mabibilang lang sa dalawang kamay ko yung nakakaalam sa real name ko dito. Hindi ko pinagkakalat kasi ang awkward. Pero mas awkward pag lagi akong tinatawag na Miss author, or Ate author. Haha. Kasi bata pa po ako. :) Gusto niyo malaman name ko? Nickname lang ah. Pwede niyo po akong tawaging Kath. Haha nice to meet you :)

2) Saan po kayo kumukuha ng ideas tungkol sa vampires? May basehan ka ba sa books or novels?

Atin-atin lang 'to ah. Ang totoo niyan, vampire ako. Lol. Joke lang. <3 Haha. Pero wala akong basehan sa books. Mahilig ako magbasa ng novels pero hindi pa ko nagbe-base sa kanila. Madalas ako magbase ng story sa mga manga na nababasa ko. Opo, otaku ako. Mahilig sa anime at manga. Kpop fanatic din ako, mostly Krock tho. XD Mapapansin niyo na sa lahat ng stories ko, inspired sila ng anime's diba? Tapos iibahin ko yung plot or lalagyan ko ng twist. Or inspired lang yung characters para sa story pero yung story sobrang layo sa inspiration na anime. Sa isip ko lang yun. Malawak ang imagination ko. Hahaha. Kaya ako gumawa ng wattpad. Baka sumabog utak ko eh. Lol.

5) Solid KathNiel ka ba talaga?

Uhm, not solid. Neutral lang ako, actually. I love Kathryn. Hohoho she's so pretty. :))  Pero hindi ako yung solid na katulad niyo. Wala akong binatbat sa inyo. Lakas niyo eh. <3

4) Bakit ang tagal mo mag-update?

Hahaha. Ganito po kasi yan. Sa daming story sa isip ko, naghahalo-halo yung plots. Kaya tinatry ko magfocus sa on-going na ginagawa ko pero patuloy na dumadami yung iba't-ibang plots. So, nara-writer's block ako. Pero minsan lang yan mangyari. This time, kaya halos 10 months no update dahil po sa nagcollege na ko. Kolehiyala na ko mga kaibigan. XD Yung course ko, hindi biro. Mahirap. Wala na kong time mag-open ng wattpad. Wala na kong time magbasa ng manga (lol). At ang pinakamalala, nasira yung laptop ko. Nawalan na ko ng pag-asa. Pero good news! Ayos na ulit yung laptop ko, at balik na yung wifi namin! <3 Expect updates soon. Pag guminhawa na yung buhay ko. Sa ngayon, dami kong problema. Hahaha.

 5) Ano yung next story na ipopost mo?

Uhmm, di ko pa sure eh. Marami talagang on-going sa 'my works' ko eh. Siguro mga 5-6 on-going stories. Plus yung on-going stories sa laptop ko na naka-microsoft word, mga 10-12. Haha. Siguro kung anong maunang matapos nalang na story, atsaka pag natapos na lahat ng on-going ko na posted. Sana suportahan niyo din. :) Hindi sila lahat kathniel, pero may 2-3 stories ata kathniel ulet. <3

6) Anong ieexpect namin sa Book2?

Honestly, mas okay po na walang expectaions. Haha. Nakakpressure po kase eh, nakakatakot din. Pero hindi naman ako yung taong mabilis mapressure, kasi alam ko naman ang kakayahan ko bilang ako. Kaya nga lang, alam kong hindi perpekto ang stories ko, at alam kong hindi rin ako perpekto. So, kayo na pong bahala. Salamat! Maraming salamaaat! :)

SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGSUBAYBAY SA CAMPUS VAMPIRES! <3

BOOK 2 POSTED.

CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon