BLOOD 27 [Coleen's Special Chapter]

72.3K 1.3K 149
                                    

New story po!

KONTRABIDA. Click the external link kung interested po. In-update ko yung first chapter. :))

Chapter 27

COLEEN'S POV.

 

"But you can't touch this girl. Because this girl is mine, and mine alone."

Nakatitig lang ako sa harapan ko ng mga panahong yan.

Sinong nasa harapan ko?

Si Sam.

Nakita ko yung kamay niya, nanginginig na sa galit. He is clenching his fist habang masama ang tingin sa stage.

Hindi naman ako manhid para hindi yun mapansin.

Alam ng lahat na galit si Sam kay Pres.

Sa sobrang inis ni Sam, lumabas na siya ng Auditorium. Ang sama ng mukha niya, inis na inis siya. Gusto ko siyang sundan pero anong magagawa ko? Hindi naman ako ang gusto niyang makita.

 

Napatungo nalang ako.

Bumaba na din ng stage yung dalawa at dumiretso palabas. Babalik na sila sa SC Room. Umingay yung paligid at halatang gusto ng gyera.

Lumabas nalang din kaming tatlo. Gumulo yung loob ng Auditorium dahil sa ginawa ni Pres.

Haaaay.

Pres.. alam naman ng lahat na hindi mo sasaluhin si Kath eh. Bakit ka ganyan? Para kang si Sam.

Bakit kaya ganyan ang mga lalaki? Nagpapakita ng motibo, tapos hindi naman pala sasaluhin. Sa huli? Nakakasakit lang sila. Kung hindi naman sila seryoso sa umpisa palang, hindi naman kailangan magpakita ng mga bagay na magpapaasa sa isang tao.

...

Pumasok na kami ng SC Room.

Nagsisigawan na naman yung dalawa, as usual. Actually, sanay na kami. Dati hindi eh. Walang kahit sinoman ang makakasigaw kay Pres, he's that scary.

Pero si Kath, kaya niya.

Ang tapang niya. Or more like, ang galing niya. Isang simple at normal na babae na naging assistant ni Pres tapos nalaman ang sikreto namin. Ibig sabihin, from the very beginning.. hindi siya normal, diba?

Nilabas ni Kath yung mga naggyegyera na babae sa labas.

Pinapaalis na siya sa Student Council. Imposible naman yun. Wala ng takas si Kath eh. Alam na niya ang lahat.

CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon