14

153 14 3
                                    

[Chapter 14]

*****

(CRISSA POV)


Pagkaalis nila Ravelyne, hindi na ako mapakali dito. Malapit na, nasaan na kaya siya? Hays. Tumayo ako at tumingin-tingin sa paligid, nasaan kana ba Jayvee?

Napatigil ako nang biglang may yumakap mula sa likuran ko.

OMGGGGG!!! THIS IS IT JAYVEEEE!!!!

"Holdup to miss, akin na yung cellphone at wallet mo."

AY PONYEMAS!!!!

Nanginig na yung katawan ko sa takot.

"K-Kuya wala namang ganyanan."- sambit ko

Naramdaman kong may itinapat sya na matulis na bagay sa tagiliran ko.

"Ibibigay mo o papatayin kita?"

TANGENAAAA ANONG GAGAWIN KO?!!! AYOKONG IBIGAY EH!!! WALA NA AKONG DATUNGS!!!

"Pulis 'to, bibitawan mo siya o pasasabugin ko yang ulo mo?"

Napalingon ako.

SI JAYVEEEEEE!!!!!

Naka-ready yung kamay nya sa loob ng jacket nya.

"Huwag kang lalapit."- sabi nung Holdaper.

"Bibitawan mo siya o ilalabas ko 'tong baril ko sa'yo?!"- matapang na tanong pa ni Jayvee

Agad akong binitawan nung lalaki at tumakbo ito ng mabilis.

"Crissa."- lumapit siya sa akin at agad akong niyakap.

"Nasaktan ka ba? Sinaktan kaba nya?"

Umiling ako.

"Baliw ka! Bakit ka nagpanggap na pulis?! May baril ka ba talaga?"

"Syempre wala."

Tssh!

"Ikaw pasalamat ka patalim lang ang dala nya."

"Hindi ako natatakot sa mga ganun no, sa dami ba naman ng pinagdaanan ko sa loob? Tss."

Sinampal ko siya ng mahina sa pisnge nya.

"Awts, para saan 'yon?"- isip bata nyang tanong

"Hindi lang ako makapaniwala na kasama na kita dito sa labas."- i said

Napangiti naman siya ng malapad tapos inayos yung buhok ko.

"Anong gusto mong gawin natin?"- he ask

Napaisip naman ako.

"Hmm kumain at magkwentuhan."

"Kwentuhan talaga?"

"Oo, dahil marami kang dapat na i-kwento sa akin."

Ngumiti naman siya at tumango. Pagkabili namin ng pagkain, umupo kami sa bench.

Habang kumakain ...

"Ahm Jayvee, ano nga palang kaso mo?"

"Drugs."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ang ibig kong sabihin, nadawit ako sa drug raid. Wala talaga akong kasalanan, hindi ako nagbebenta at mas lalong hindi ako gumagamit."- explain nya, napatango-tango naman ako

"Paano ka nadawit?"

"Nagka-yayaan ang barkada na kumain sa labas, hindi ko naman alam na yung barkada is doon sila nagbebentahan. May mga dumating na pulis, kaya ayun nadamay ako."

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now