07

211 14 1
                                    

[Chapter 7]

*****


(RAVELYNE POV)

CAMPUS

"Oy ano 'yan?"- Apple ask, sabay agaw nya sa paper rose na hawak ni Crissa.

"Bruha ka naman Apple akin na nga yan!"- sabay agaw ulit ni Crissa

"Ang chip ng nagbigay sa'yo nyan ha, halatang walang pambili."- pang aasar pa ni Apple.

"Sama ng ugali mo."- Crissa said

"Hahahaha peace!"- Apple said

"Tssh."- Crissa rolled her eyes.

"Huy girl bakit tahimik ka dyan?"- tanong naman sa akin ni Apple.

Napahinga ako ng malalim. Hays, hindi ko makalimutan yung ginawa ni Dexter kahapon. Tsk!

Napatingin naman ako sa hawak na paper roses ni Crissa, parang may nakasulat sa loob.

"May sulat ba sa loob nyan?"- i ask

"Ha?"- chineck naman ni Crissa

Biglang nanlaki ang dalawang mata nya sabay tingin sa amin ni Apple, parang ngayon nya lang narealize na may sulat doon sa loob. Sa hindi siya makapag-salita, binuklat nya yung paper roses.

Pag-buklat nya, may sulat nga! Sabay-sabay namin binasang tatlo.



'Minamasdan kita, nang hindi mo alam.
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi at matinkad mong ngiti.
Umaabot, hanggang sa langit.
'Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik.
'Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw.. ang mundo ko'y tumitigil.
'Para lang sayo, ang awit ng aking puso.
Sana'y mapansin mo rin, ang lihim kong pagtingin.



Napatigil kami parehas, ngayon lang namin narealize na kinanta na namin yung nakasulat. Leche!

"Leche naman yan sis, lyrics ng kanta yan ha."- Apple said

Napakamot si Crissa.

"Sino bang nagbigay nyan?"- i ask her

Tumingin sya sa akin sabay ngiti ng malapad.

"Secret."- she said.

Sus!

"Excuse me."- napalingon naman kami sa kaklase naming babae na si Mariel na may dalang makapal na libro.

Isa si Mariel na nakatanggap ng maraming award last year recognition.

"Ano 'yan?"- tanong ni Crissa sa kanya

"The Physical Science Book, the systematic study of the inorganic world, as distinct from the study of the organic world, which is the province of biological science. Physical science is ordinarily thought of as consisting of four broad areas. Astronomy, physics, chemistry, and the Earth sciences. Each of these is in turn divided into fields and subfields. This article discusses the historical development with due attention to the scope, principal concerns, and methodsof the first three of these areas. The Earth sciences are discussed in a separate article."- she answered

Nagkatinginan kaming tatlo. Feeling ko nahilo ako sa mga sinabi nya.

"Tinanong ko lang naman kung ano yan eh, bakit pati definition sinabi mo pa? My god."- Crissa said na halos mapahampas ng kamay sa noo, kami naman ni Apple natawa nalang.

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon