Special Chapter #1

99 5 2
                                    

[Special Chapter #1]

*****

NINE MONTHS LATER

' Dexter & Ravelyne Wedding '

Napapikit at napahinga ako ng malalim bago pumasok ng simbahan. Napatingin naman ako bigla sa tabi ko, nagulat ako dahil nandito si Daddy at pinulupot nya ang braso ko sa braso nya.

"Dad?"- nakangiti kong sambit

Ngumiti siya at pinunasan ng marahan ang ilalim ng mga mata ko.

"Huwag ka munang umiyak, hindi pa nag-uumpisa ang kasal mo anak."

"D-Daddy .."- I'm crying , sobrang bigat sa pakiramdam na sobrang saya. Hindi ko ma-imagine na after so many years malalayo na ako kila Mommy at Daddy.

"Masaya ako para sa'yo anak, sa wakas nakita mo din ang lalaking nagpapasaya sa'yo. Hinihiling ko na maging matatag ka sa anumang mga pagsubok na dadating sa buhay ninyong dalawa ni Dexter."

Ngumiti ako at tumango.

"Thank you, Daddy .. mamimiss ko kayo ni Mommy."

Napatingin ako sa pintuan ng simbahan nang bigla na itong bumukas. Hinawakan ni Daddy ng mahigpit ang kamay ko.

"Tara na , kailangan na kitang gabayan patungo kay Dexter."

Naiiyak na ako, hindi ko na mapigilan. Inumpisahan na namin mag-lakad ni Daddy. Habang naglalakad nanginginig ang buong katawan ko, napangiti naman ako dahil nakita ko ang mga kaibigan ko. Lahat sila nandidito at magiging saksi ng kasal ko. Nakita ko sila John Mark at Khent na magkatabi, napapangiti ako. Masaya ako para sa kanilang dalawa, nakita ko rin sila Apple at Dan, si Jayvee at si Crissa na halos malapit na ulit manganak para sa pangalawang anak nila ni Jayvee.

Masaya ako para sa kanila dahil alam kong masaya sila ngayon. Napahinga ulit ako ng malalim at tumingin sa tabi ng altar. Nakikita ko si Dexter na pumiwesto sa gitna at nakatanaw sa akin. Kahit malayo nakikita ko siyang umiiyak, tsh parang baliw eh! Huhu

Paglapit namin sa kanila nakatingin lang kami sa isat-isa ni Dexter, ang pula ng mukha nya at halatang nagpipigil pa ng iyak ito. Tumingin naman ako kay Daddy at niyakap siya. Kinuha ni Daddy ang kamay ni Dexter at marahan na pinahawak ang kamay ko.

"Alagaan mo ang anak ko."- sabi ni Daddy kay Dexter

"Yes Tito Ravil, salamat po sa tiwala."- Dexter

After that hinawakan ni Dexter ng mabuti ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa harap ng altar.

"You're beautiful."- bulong sa akin ni Dexter

Tumingin ako sa kanya.

"I know."- i said sabay haha ko.

He smirked.

"Mamaya ka sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Baliw ka."

"Talaga."- natatawa lang siya, siraulong to. Haha!

Pagkatapos nun inumpisahan na ni Father ang misa, then after that heto na ang sagradong kasal.

"Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Mr. Dexter Abelgas at Ms. Ravelyne Alvarez."- Father said

Nag-harap kaming dalawa ni Dexter, hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Hindi ko alam pero natatawa siya ng slight kaya natatawa rin ako. Para kaming mga tanga!

"Mr. Dexter Abelgas , tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Ms. Ravelyne Alvarez, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now