05

219 22 3
                                    

[Chapter 5]

*****

(CRISSA POV)

"Halatang nasa mood tayo ngayon sis ha."- sabi ko kay Ravelyne na kanina pa nakangiti.

"Masyado bang obvious?"- kalandiaan nyang tanong

"Ay hindi teh."- i laugh

Pagdating namin dito sa Jail, agad akong pumasok kasama yung dalawa.

"Bibisita kayong tatlo?"- tanong nung lalaking pulis

"Ah opo, bibisitahin ko po yung kapatid ko."- i said

"Eh kayong dalawa?"- tanong nung pulis sa dalawa.

"We're her friends and we're support."- Apple said, natawa naman ako. Ano daw?! Haha

"Hindi kami nakikipag-biruan, sino ang bibisitahin nyo dito sa loob?"- masungit na tanong nung pulis.

"Edi yung kapatid din nya."- Ravelyne said

"Bawal kayo, siya lang."- Pulis said

"Hala?"- Apple said

"Sige na, okay lang hintayin nyo nalang ako sa labas."- i said

"Sige, wait ka namin dito."- Ravelyne said

Tumango ako at ngumiti. Pagka-pasok ko pinapunta ako sa babaeng pulis, kinuha yung mga dala kong pagkain at sinira nila yung mga plastic.

"Bakit nyo ho sinira?"- tanong ko

"Bawal ang plastic sa loob."

Parang may laman 'yon ha? Choss, paano yung mga tinapay? Magiging tinapay on hand? My god!

"Yung sapatos mo."

Hinubad ko naman agad ang sapatos ko. Pinag-kakapa rin ang buong katawan ko.

After that ..

Pumasok na ako sa loob, hinanap ko yung selda ng kapatid ko. Nakita ko naman siya agad. Nakita nya ako at agad siyang lumapit sa akin.

"Ate!"- naiiyak nyang sambit

"Ano ba kasing ginawa mo ha?!"

"Nadamay lang ako eh, hindi naman ako yung pumukol ng bahay nila eh."

"Ano nga kasing ginagawa mong bata ka?! Bakit ka nadamay?"

"Lasing kami ate, tapos pinukol ng tropa ko yung bahay nila kapitan a-at ayun."

"Ikaw ang pinag-bintangan?"

Tumango siya. Napahinga ako ng malalim sa batang 'to.

"Yung tropa mong may kasalanan? nasaan 'yon?!"

"T-Tumakas ate."

Napahampas ako ng kamay sa noo ko. Tsk!

"Maghahanap ako ng paraan para makahanap ng pera, para makalabas ka dyan."

Napayuko siya, kinuha ko naman yung mga pagkain na dala ko.

"Oh heto, kainin mo 'yan."

"Pero kailan ka babalik ate? Gusto ko ng lumabas dito."

"Gagawa-gawa ka ng katangahan tapos ngayon mangingiyak ka dyan? Mag-dusa ka!"

Napayuko na naman siya. Napahinga ako ng malalim. Hays!

"Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan."

Pagkatapos nun umupo muna ako dito sa harap ng selda nya habang hinihintay siyang matapos kumain. Napapahinga ako ng malalim at tumingin sa paligid, napalunok ako bigla. Ngayon ko lang napansin na halos ata sa akin nakatingin. Tsk!

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now