ⓕⓞⓤⓡ [4]

2.3K 33 1
                                    

Chapter 4

It’s been a week since nagkaroon ako ng time para makasama si Cole. Gusto ko siyang bisitahin sa room niya pero ayokong isipin niya na possessive ako. Ayoko namang din maging stalker ng sarili kong boyfriend. Nasa akin na siya so ano pang dahilan para mag worry, diba?

Kadalasan nagkakasalubong kami sa hallway and as usual, napaliligiran na naman siya ng mga fans niya. As I look at those girls eyes, I saw a lustful feelings beneath their dirty gaze. They look like they're gonna maul their fake nails on my Cole any moment at hindi maiwasang mag-init ang dugo ko. Para silang mga buwaya na naghihintay ng tamang oras na dakmain at lapain ang kawawang si Cole. Gusto ko tuloy umentra at maging Knight and shining armor niya. Pero teka, mukang baliktad ata?

Anyways, there's this one time na sinubukan kong kausapin si Cole. Malaking delubyo ang dinanas ko makalagpas lang sa mga fans niya. Buruin mo nagulo pa lalo ang pangit kong buhok at nasira pa ang rubber shoes ko dahil sa mga heels ng mga witch na nakaharang sa paligid. Noong makita niya ako, ngumiti lang siya at sinabing busy daw siya dahil sa Saturday na ang laban nila. Of course I understod it. Para lang din naman yang exam, kailangan mong paghandaan bago ang araw na itinakda.

Admittedly, nasaktan ako. Naintindihan ko naman na mahalaga ang practice niya dahil this week na ang laban. Miss na ko talaga siya. Ang mas naghihirap sa ganitong sitwasyon ay ang puso ko. Ramdam ko ang unti-unting paglamig nito kasabay ng paglulumbay sa pagkawala ng kumpanya ni Cole. Nasa kanya ang ubang bahagi ng puso ko, for without it, manhid ako. Hanggang hindi ito buo, hindi kailaman magiging masaya ang kabuuan ko. Kulang ako pag wala siya. Parang patay na humihinga. Parang katawan na kumikilos pero walang kaluluwa.

I sigh in frustration. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala. Ang tanging nakapagpabalik lang sa akin sa realidad ay ang mga daliri ni Rim na humaplos sa pisngi ko.

Noong tiningnan ko siya, nakitang kong nakakunot ang noo niya, isang reaksyon na tila sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko. Luckily for him, he couldn’t. Nasisigurado ko kasing hindi rin niya ikalulugod ang malalaman niya.

“Okay ka lang?” tanong niya.

“Yep,” I lied. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil hawak niya pa din ang pisngi ko.

“Weh? Tulala ka na naman eh,” he said dryly, clearly not buying my excuse.

Frowning, I lock my gaze on him and pouted. Natawa nalang siya sa reaksyon ko. I purposely did it. Ito kasi ang isa sa mga paraan na makakapagkalimot sa kanya ng bagay na tinatanong niya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero malaking bagay ito para sakin. Sa ganitong paraan kasi, natatakasan ko ang trap na tanong niya. Ayoko naman din kasing malaman niya ang nararamdaman ko. At isa pa, ayoko siyang mamroblema.

“Ang cute mo,” biglaan niya sabi. Bakas sa muka niya ang pagka-sinsero. The way his eyes bore at me was so intense to the point na hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang presensya sa dibdib ko. No, not in him. Best friend ko siya at hanggang doon lang iyon. I shook off the weird feelings and laughed, saying, “Wala akong piso.” Before flashing a smug look.

“Mukha kang penguin na naka inom ng datu puti suka” he teased. Bigla tuloy nawala ang mga ngiti sa labi ko.

“Ha. Ha. Ha. Funny” I said dryly as I rolled my eyes. That’s when he started to laugh hysterically. I caught him off guard so I playfully punch his stomach.

“I hate you!” I screeched.

“Ow” he dramatically put a hand on his chest.

“Ang drama mo! Come on may next class pa tayo” I motioned for him to follow me.

I can’t understand him. At first he look serious, yung tipong ma-fa-fall ka sa sinabi niya. Yung tipong kikiligin ka dahil sinabihan ka ng cute. I mean, minsan ka lang makakarinig ng complement sa best friend mo. Sino ba naman hindi matutuwa dun? Tapos kung kelan tuwang tuwa ka na, may pambawi pala. Edi wow.

Hindi talaga maganda ang araw ko ngayon. Feel ko wala akong energy.. kahit pa napapatawa ako ni Rim.

He's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon