ⓞⓝⓔ [1]

16.7K 149 6
                                    

Chapter 1

“Gotta go. Bye, babe. See you tomorrow. I love you,” He lean forward and planted a kiss on my forehead. Kahit na hindi sa parte na inaasahan ko, hindi pa rin maisawang manayo ang balahibo ko. Pero syempre, sa positibong paraan.

“I love you too. See ya!” Nakangiting tugon ko. Bakas sa mapupula niyang labi ang saya noong marinig niya ang sinabi ko. Hindi ko mapigilang mahulog sa ilalim ng hipnotismo noong masilayan ko ang perpekto at mapuputi niyang ngipin na maihahalintulad sa isang perlas. Sa ilalim ng mala-mais niyang buhok ay nagtatago ang napakagandang pares ng berdeng mga mata, isang bagay na nakapag-papaalala sa 'kin ng espesyal na hardin ng Florencia. Sa loob ng matigas at mala-bato niyang katawan, alam ko, naninirahan ang busilak niyang puso. Sa ngayon, hindi ko pa magagarantiya na perpekto siya, pero nasisigurado ko na may kabutihan sa loob niya.

Nakangiti lang ako habang pinapanood ang pag-alis niya. Sa ngayon, pakiramdam ko nananaginip lang ako. Na ilusyon lang ito lahat. Pero kapag nararamdaman ko ang init ng labi niya sa balak ko, masasabi kong nasa realidad talaga ako. Na boyfriend ko siya.. at girlfriend niya ako.

Pakiramdam ko tuloy, para kaming mga karakter sa libro. Popular siya habang ako, isang hamak na nerd. Sa lipunang kinagagalawan namin, para lang akong isang maliit na langgam na pilit na inaabot ang piraso ng nakahandang pagkain. Lahat gusto itong ariin, pero tanging ako lang ang may kakayahang maabot ang inaasam ng lahat. Masasabi ko ngang, maswerte ako. Dahil sa likod na napakabusy niyang oras, nagkaroon pa rin siya ng panahon na magkagusto sa'kin.

He's a nice guy, sweet, funny, and good to be with. His company never fail to enlighten my day. Pero sa lahat ng pangyayaring ito, may isang tao na hindi matanggap ang kagustuhan ng puso ko.

“See? Ni’ hindi ka nga niya hinatid eh,” pang-aasar na sabi niya.

Yan si Rim. Ang best friend ko. Hindi ko alam kung pano kami naging mag best friend in the first place. Basta isang araw, nalaman na lang namin na may mga bagay kaming pagkakatulad. Katulad ng matinding kaadikan sa panood ng pelikula, o di kaya’y pagbabasa ng libro.

Tumingin ako sa mala-tsokolate niyang mga mata at napabuntong hininga. Alam kong hindi talaga siya titigil sa pang-iinis sa'kin. Ayaw niya si Cole para sa'kin. Sabi niya, masasaktan lang daw ako sa huli. Bilang isang best friend, masasabi kong kakaiba din talaga siyang mag-cheer.

“Rimejio Sebastian Ramirez, hindi porke hindi niya ako hinahatid, niloloko niya lang ako. Tsaka pwede ba, tigilan mo na ang pagiging tamang hinala mo,” I rolled my eyes and walk past him. Hindi ako bitchy. Mean lang.

“Excuse me, una sa lahat hindi ako T.H. Ikalawa, nagsasabi lang ako ng katotohanan.” he reasoned with a raised eyebrow.

“Rim, I told you, he loved me. Nagmamahalan kami, okay? Please wag ka nang dumagdag sa haters club ko.” pakiusap ko sa kanya. Inaamin ko, medyo nakakapagod nang makihalubilo sa mga taong galit sa'kin. Minsan gusto ko nang sumuko, pero kapag naalala ko si Cole, I just couldn't let go. Sana may nakakaalam ng ganitong pakiramdam nang sa gayon, malaman kong hindi lang ako ang nag-iisang na'fall ng matindi sa mundo.

Napabuntong hininga siya kasabay ng pagbagsak ng balikat niya. Bakas sa reaksyon niya na pagod na siyang magsabi sa'kin. I don't blame him. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag gusto ko, ipaglalaban ko.

Magsasalita pa sana siya kaya't inunahan ko na. “I know!” sigaw ko. “He's popular, I'm a nerd. Langit siya, lupa ako–parang stairway to heaven lang ang tema. Hindi mo na kailangan ipaglandaka pa.” Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng konting humor sa ganitong klase ng sitwasyon. Pero inaamin ko, natawa siya ng konte.

“You’re not a nerd, Faye” sumbat niya.

Napahinto ako sa paglalakad. “Ha! So what am I?”

“Magkaiba ang nerd sa bookworm, Faye. Besides, you’re not wearing a nerdy glasses and thick silver braces,” he pointed out. “Faye, kahit anong gawin mo, pareho pa din tayong adik sa pagbabasa. Ang pinag kaiba lang, ikaw Wattpad fanatic samantalang ako, serious novel at encyclopedia ang binabasa.” He muttered underneath his breath.

Heto na naman ba? Magtatalo na naman kami sa maliit na bagay?

“Whatever floats your boat, bruh.” I rolled my eyes and walk past him. Mabangga ko ang braso niya, pero hindi ako huminto at humingi ng paumanhin. Sa halip, nagputuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bus station. Ramdam ako ang presensya niya sa likod ko, pero kahit ganoon, nagpanggap akong hindi ko siya nakikita.

Masama talaga ako loob ko. Pero hindi naman sa puntong isusumpa ko siya. Sino bang hindi sasama ang loob kung ang taong inasahan mong susuporta sa'yo sa bagay na pinapangarap mo ay ang taong number one hater ng love story nyo?

Anong klaseng kaibigan siya? Nakakapagtampo talaga! I hate my best friend.

He's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon