ⓣⓗⓡⓔⓔ [3]

2.5K 43 2
                                    

Chapter 3

The next morning, I found myself smiling from ear-to-ear. Hanggang ngayon lutang pa din ang isip ko sa katotohanang ang iniimagine kong design ng bag ay nasa kamay ko na ngayon. Hindi rin ako makapaniwala na nag-eexist pala ang ganitong klase ng bag. Ang buong akala ko kasi, sa imahinasyon ko lang makikita ang ganito.

Last night noong binuksan ko ang gate, isang nakangising lalaki ang tumambad sa harapan ko. Abot tenga ang ngiti niya. Halos labas na nga ang gilagid sa sobrang saya. Napaisip tuloy ako kung anong natira niya. Naka-drug ba toh o nahulugan ng niyog sa ulo?

Dahil sa tanawing nakita ko, ang muka kong halos papatay ng daga ay napalitan ng ngiti. Nakakatawa ang hitsura niya. Para siyang isang batang naghihintay na ibili ng kendi na tig' piso sa tindahan.

Nang walang anu-ano, biglang na lang niyang inabot sa akin ang isang shopping bag na hindi ko napansing dala pala niya. Nakatawag pansin kasi sakin ang reaksyon ng mokong na iyon. Muka kasi siyang ewan. Yung tipong gusto mong batukan sa sobrang gigil. Anyways, malugod kong tinanggap ang bag. Medyo malaki ito at bigla na lang sumagi sa isip ko na baka isa iyon sa mga nakakabwisit na prank niya. Last time kasi, nagbigay siya na napakagandang box na naglalaman ng nakakadiring palaka; ang bagay na pinakakinatatakutan ko. Ayoko talaga sa palaka. Nakakadiri sila ako medyo slimy.

Pagkatapos ng mahaba-habang diskusyon sa kung anong laman ng bag, napagdesisyinan ko ipabukas ito sa kanta. Ito ay isa sa mga technique ko para maiwasan ang kung ano mang bagay ang bubungad sa akin. Sa huli, wala din naman nangyaring kakaiba. Inasar pa nga niya ako at sinabing, “See? Sinabi ko na sa’yo eh.” napangiwi na lang ako at binuksan ang bag. At ayun na nga ang tumambad sa akin.

It was a white and pink colored bag na may teddy bear na design. Plus may ribbon pa sa right side ng ear niya. Ito yung gusto kong design ng bag. I thought imagination ko lang makikita pero hindi pala. May totoo palang ganitong design! Akalain mo nahanap niya.

Mas lalo pa kong napangiti noong sinabi nita sa akin na meron din pala siya. He even bought his own para daw pareho kami.

Ang bait talaga niya. Hindi siya madamot. Lahat kasi ng meron siya, meron din ako. Terno kumbaga. May isang pagkakataon nga na napagkamalan kaming magjowa. I mean, porke't terno couple agad? Hindi ba pwedeng best friends muna?

Noong marinig ni Rim iyon, bigla na lang siyan natahimik. Nakita kong namula ang mga tenga niya, patunay na hindi siya komportable sa sitwasyon. So to clear things up, naisip kong lapitan ang taong nagsabi samin niyon at itama ang lahat. I even clarified na magkabigan lang kami. Pero sa halip na mapangiti ko si Rim, mas lalo lang siyang tumahimik at naging madistansya ng buong araw.

Naisip ko tuloy, dapat pala sinabi kong BFF kami, best friends forever and ever and ever and ever. Baka sakaling napangiti ko siya, diba?

He's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon