Chapter 10- Entrance of Silvestre

24.2K 246 19
                                    

Chapter 10- Entrance of Silvestre







Haaaaayyy!!! What a beautiful day!!! Maganda ang sikat ng araw! Medyo malamig ang hangin! Namumulaklak ang mga buds, nagchi-chirp ang mga birds, nagsesway ang mga trees... Akala nyo nasa paradise ako no? Well, tama kayo!!! I'm on a paradise today... Isang paraiso na walang Sander Trajano!!! Yes! You heard it right! Wala ang aking butihing asawa for a week!

Well thanks to Eli na kinidnap sya...

Eto ako ngayon, sipping my cup of Darjeeling tea on my balcony shaded by our oak tree. Ako na ang sossy...

With...tantananan! My new friend!Emerald!!!

Ako na talaga ang bana sa mga kaibigan... anyways, we invited Jas pero as usual ayaw nyang magpakita kay Emerald. Sigh, kailan kaya magiging sila?

            "Emerald, ano pala sabi ng daddy mo about your marriage?" tanong ko.

            "Oh, he only said 'follow your dreams' ...simply like that. So I'll follow Jas until he acknowledge me!"

            "Oh, I see"

Good luck!

            "How about you Kon, anong feeling nang may asawa na?" tanong nya.

            "There's nothing good about being married ...with a jerk" sabi ko nalang.

Then she giggled.

            "Haha, naisip ko nga nun kung lagi ka bang hinaharass ni Sander! Grabe, talaga 'yung asawa mo, sa'yo lang talaga sya nakatingin."

Well, di ko masasabi na ganun nga talaga. All he did is to harass me!

            "Kalimutan na natin ang baliw na 'yun!"

Lagi na palang pumupunta si Emerald sa amin since nung naging friends kami. Hehe, medyo namimiss ko rin kasama si Jas, biruin nyo sya lagi ang kasama ko for 6 years, di ko naman sya ipagpapalit nang ganun-ganun na lang, but I admit na mas masayang kasama si Emerald! ...sorry Jas!









Kinabukasan sa school, ayan, di ko na kasama si Emerald, kasi Ibang department sya...at mukhang may dalaw nanaman ang kasama ko ngayon.

            "What's your problem?" tanong ko sa nagmumukmok na si Jas.

Nung una, di nya ko sinasagot, at bigla nalang nyang ginulo 'yung buhok nya na parang naguguluhan sya...or nababaliw.

            "Heyy!" sabi ko and tinapik ko sya.

            "What the--!" ayan gulat kuya nyo. At bigla syang napaurong sa kinauupuan nya.

            "K-Kon!" sabi nya while gulat na gulat.

Problema nito? Para syang nakakita ng multo.

            "Anu bang problema mo?"

            "Wa-wala, binabangungot lang ako these past few nights." Sabi nyang nakayuko at balik sa depressed-mode ulit.

Hinawakan ko 'yung noo nya to check kung nilalagnat sya.

            "Hmmm...wala ka namang lagnat."

            "M-Mind your own business!" tinapik nya ang kamay ko at bigla nalang syang umalis.

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon