Chapter 6- Her Homecoming

27.5K 327 11
                                    

Chapter 6- Her Homecoming.









Monday nanaman... Hayy, di naman sa ayaw kong pumasok kaso...

"Did you understand class?"

Nagsub nanaman si Sander as prof namin...hay, anu ba talagang nasa kokote ng lalaking 'to?

"Mrs. Trajano, stop daydreaming and listen to my lecture. O baka naman gusto mamayang gabi ako maglecture sa'yo." He caught my attention. And the pervert winked.

Then nagtilian mga kaklase ko.

At nagawa mo pa talagang gumawa ng scandalo dito.

Grabe! Di ba forbidden ang teacher-student love affair! Tsk, kung wala lang siguro kaming pera di sya tatanggapin dito! Sigh, the first time that I resented money!





Vacant time namin... Hayy, salamat at may klase ang ungas sa oras na 'to!

"Jas, uwi nalang kaya tayo?" anyaya ko sa kanya.

"Di pwede, kung ikaw di mo pinapahalagahan ang pag-aaral pwes ibahin mo 'ko...I'll succeed my father."

"Che, ikaw na! Pero may advantage din pala ang pagiging anak lang ng mayaman, yung mayaman ka lang at pwede mong gawin ang gusto mo without any responsibilities!"

"Taliwas ata 'yan sa kilala kong Kon...At anu naman ang gusto mong gawin?" tanong ni Jas suplado.

"I want to travel the world and try every extreme sports." I said with a smile on my face.

then he smirked "Pwede, bagay nga."

"Masaya ka ba para sa akin o ano?"

"Syempre masaya!" at ginulo nya 'yung buhok ko.

Hehe, ito gusto ko kay Jas, he's so supportive.





Napatigil ako sa pagtawa nang may makita akong babaeng nakatitig sa amin.

She's just staring and nung makita nya kong nakatingin din, she just left.

That's weird, pero ang ganda nung girl.

"Problema mo?" tanong ni Jas as he noticed that may tinitignan ako kanina.

"Ah, wala...sige dalian mo na dyan." Sabi ko.

"Ubos na kaya pagkain ko...'yung sa'yo na lang 'yung nasa table o."

"Ayy, hehe sige, dadalian ko na."

Maybe stalker ni Jas 'yun? Uso pa ba 'yun? ... Well, forget it.





Tapos na yung klase and dumeretso muna ko sa bahay nila Jas....Tambay lang.





And pagbukas namin ng pinto...may parang jet na lumabas sa loob ng bahay at sinagpang nito si Jas...

"Jasper!!! Long time no see!!!" sabi nung sumagpang habang natumba sila ni Jas...

Hinalik-halikan nung babae si Jas...and nung mapa-side 'yung mukha nya, I recognized her.





Sya 'yung nakatitig sa amin kanina!!!





At nang mapuno na si Jas, tinulak nya 'yung magandang babae tsaka sya tumayo.

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon