Prologue- Part 3- Jasper's P.O.V.

36.7K 442 5
                                    

Jasper's P.O.V.

            "Huh?!!! Kinasal na si kuya???!!!"

Sorry for that screaming, ako nga pala si Jasper Monteclaro, son of a billionaire. I am their second son but I am the heir at ang alam ng marami, panganay akong anak. Pinaalis kasi ni dad si kuya. Ah, ang kuya ko nga pala ay si Sander Monteclaro...Well, Trajano na sya ngayon...at ang dahilan kung bakit ako sumigaw ay dahil binalita ng utusan naming na ikinasal na daw ang kuya ko!!! Kahit na malayo na sya sa amin may communication naman ako sa kanya kaya kahit papaano family ang turing namin sa isa't-isa, and now...15 palang ang kuya ko pero kasal na sya?

"Actually po engaged pala sya as of now dahil wala pa sila sa tamang edad." Pagcorrect ng secretary ko. To be precise taga bigay ng lahat ng gustuhin ko at inutusan ko syang i-update ako lagi tungkol kay kuya.

'Yun na rin yun.

            "Sigurado ba 'yang balita mo?" tanong ko.

            "Yes sir."

            "Sino 'yung babae?" tanong ko ulit.

            "Her name is Kon Hailee Trajano" sabi ng secretary sabay bigay sa akin ng folder na naglalaman ng profile tungkol dun sa babae.

Pagbukas na pagbukas ko dun sa folder...I saw her cute face. Shit...ano ba 'tong iniisip ko? E pano sya magiging cute...asawa sya ni kuya!!! Ay fiancé palang pala. Well, di naman sa pumapayag ako...I mean I totally decline on this!!! Labing-limang taon palang ang kuya ko pero nakatali na sya agad sa babaeng 'to? Isipin mo naman! Ni hindi na nya ma-eenjoy ang teenage-life nya!!! Kawawa naman ang kuya ko...at dahil 'yon sa babaeng ito!... Hmmm...Let's see...

            "Name: Kon Hailee Trajano, Only daughter of Trajano Household...Hobbies: exploring the wild...anung klasing hobby 'yun? ...Interest: something money can't buy... huh? Anu naman 'yon? Dignidad? Ayy, pwede na rin palang bilhin 'yon. Anu ba 'tong babaeng to...sa sobrang yaman na ata nila e nabaliw na sya. Anu naman ang mapapala ni kuya rito?"

            "Well, sir Jasper..." sabat ng secretary ko. "Apelyido lang po ang dahilan ng kasalan...'yun po ang usap-usapan ng mga maid's quarter."

"Apelyido? E di ba adopted na si kuya?"

Ah, teka kung adopted sya...it means magkapatid sila nung Kon...

            "Ipaliwanag mu nga ng maayos!!!" sigaw ko sa sekretarya.

            "Ganito po 'yong narinig ko" sabi nya na parang nagsasabi ng chismis...lumapit sya nang kaunti at bumulong...Confidential ba 'to?  "Di daw po talaga inadopt si Sir Sander...ang plano daw po talaga ni Mr. Trajano ay ipakasal sya sa anak nya at mamuno sa kumpanya nila."

            "E di kung nangyari ang plano ni tito Gilbert magiging pagmamay-ari na ni Kuya ang Glass Shoe corp...at ibig sabihin noon...dalawa na ang pagmamay-aring kumpanya ng Monteclaro???"

            "Parang ganoon na nga po"

            "So pinamimigay na ni tito Gilbert ang kumpanya nya?" tanong ko.

            "Hindi po ata sa ganun..." natigilan'yung utusan tsaka nag-isip.

            "Ayy, ang gulo mo, dyan ka na nga!!!" sabi ko at iniwan ko sya.

            Eleven years na nung pinalayas si kuya sa bahay...Well, di actually pinalayas ipapaalaga sya dapat sa ibang bahay ng mga Monteclaro kasama ang mga maid kasi daw lilipat na kami ni mama sa main house ng Monteclaro. At ayun na nga imbes na ipaalaga sa mga maids...kinuha nalang sya ng mga Trajano. Paano kami naging close ni kuya kahit 2 years old palang ako nung umalis sya? He's coming by and by para bisitahin ako...at 'yung past naman nya, narinig ko sa mga chismosa naming maids. Honestly, naawa ako kay kuya...Namatayan na nga sya ng mama, tapos ganun-ganun nalang syang tinapon ni dad. Lagi kong iniisip kung ako kaya ang nasa lagay niya...malamang matagal na akong sumuko. Pero pag dinadalaw nya ako sa amin...pag naglalaro kaming dalawa, lagi syang nakatawa...Sigh, kaya nga 'pag di sya nakakadalaw ng ilang buwan tumatakas ako sa bahay para dalawin sya...Di ko kasi maiwasang mag-alala. Anyways, ilang buwan narin akong walang balita sa kanya...at ngayon mababalitaan ko pang engaged na pala sya... Agh... Kailangan ko syang makausap tungkol rito!!!

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon