Chapter 27- These are my feelings?!

19.9K 211 14
                                    





I knocked.

"Darling, nandito na 'yung snacks mo <3"

"Bukas 'yang pinto Darling <3"

Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang asawa ko na may ngiti na abot tainga...

"Ang sweet talaga ng darling ko."

"Anu ka ba Darling, nahiya naman ako..."



Chapter 27- These are my feelings?!



Hey guys, si Kon pa rin 'to at nasa kwento pa rin kayo ng "mag-asawang baliw"

Ang sweet ng intro no? may pa-darling-ek-ek pa at hearts...well.... *VOMIT*

Oh, pardon....saan na ba ako? Ah, oo, sweet daw kami ng asawa kong si Sander...yea, tama...

Actually nanaginip lang kayo, hindi totoo ang chapter na 'to...

Really...

Sigh, sige na nga tama na 'tong pagloloko at pagjojoke ko sa sarili ko!!!

OH GOD, LET ME GO BACK TO REALITY ALREADY!!!

Kagaya ng nangyari last time, eto pa rin ako at ginagawa ang mga kundisyones ni dork Sander...peste sya!!! Linalanggam na ang bibig ko dahil sa kanya! Ay di pala, amoy suka ko na pala...

Pero tiis-tiis lang Kon...



"Darling, labas na ko a, marami pa akong gagawin." Paalam ko sa kanya...

Iiiihhhh!~ pesteng darling! Anu ba naman kasi 'tong darling at sweet talk na pinagawa nya sa akin!

"Lalabas ka na? kakapasok mo palang a, stay a little bit more, darling." Then nagpuppy eyes sya.

IIIIIHHHH! Kadiri! Kadiri ka Sander!!! Nangingilabot ako sa'yo!!! Ayan na o goosebumps ko!

"Pero kasi Darling..."

Di nya ako pinatapos magsalita.

"Ah, what time pala ang pasok ko sa university ngayon, let me check my sched." Sabi ng ungas at nagtatangkang tignan ang sched nya sa phone!

Inagaw ko 'yung phone nya at umupo sa harap ng table nya.

Grrrr!!!

Ganyan ang ginagawa nya pag di ako susunod sa "requestsss" nya...babalik sya sa paghihiwalay kanila Levi pag nagkataon.

Why am I doing this? Well, nakakaawa silang dalawa!!! They truly love each other at sisirain lang ng ungas na 'to? Hmmm, it is somehow my responsibility to stop this jerk, but...but......... ayaw ko na nito!

Nakatunganga lang akong nakaupo sa harap nya habang sya patuloy sa pagtatype...so anung balak mo sa akin dito?! Hihintayin mo akong mabulok?!

"Uhm...anu bang ipapagawa mo sa akin?" tanong ko, balik sa normal tone-masungit.

"Ano darling? Di kita narinig?" tumigil muna sya sa pagtatype at nagsmile sa kin.

Seriously nakakatakot ka na Sander...

"Anu bang pwede kong maitulong sa'yo darling? <3" I said with a forced smile.

"Ang sweet mo talaga darling." Tsaka nya pinisil 'yung ilong ko.

Aray! Masakit 'yun!

"Kung ganoon, subuan mo nalang ako ng mga snacks na dinala mo." Sabi nya, as usual with the di-matinag na smile!

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon