HSMFPFONH: 4:00-5:00 (THEFINALE)

10 5 4
                                    

Shea's POV

Tumunog ang kampana ng simbahan hudyat na ika-apat na ng hapon. Ang sunod na pagtunog nito ay pag sumapit na ang ika-lima ng hapon.

Sumimoy ang malakas na hangin kasabay nito ang pagyakap ng isang bisig sa akin. Medyo malamig ang simoy nito dahil nga hapon na rin.

Dumadami na ang mga naglalakad ngayon sa park at kalimitan ay isang masayang pamilya o kaya naman ay tulad namin ni Ethan na couple.

"Hmmmmm..." Muling sumimoy ang malamig na hangin at napakabanayad nito sa balat.

I don't want to end this moment. The moment I felt safe and comforted. Yung para bang wala akong problema.

Ramdam na ramdam ko ang hininga ni Ethan sa leeg ko dahil naka patong ang baba nya sa balikat ko habang nakayakap sa akin.

"Ang bango mo pa rin kahit naarawan ka na" bulong ni Ethan sa mismong tenga ko na nagdulot ng kiliti.

"Kaya nga mahal mo eh"

"Sus. I love you not because of your smell, I love you because I love you" hinarap ko sya ng nakangiti.

Gumanti naman ng malapad na ngiti ang loko. Anong tingin nya sa akin? Easy to get? HA. HA. HA.

Pero parang ganun na nga.

"Sus. Minahal mo ako dahil maganda ako."

"Syempre kasama yun sa minahal ko sa pagkatao mo." Marupok. Akala ko naman sasabihin nyang "minahal kita hindi dahil maganda ka, minahal kita dahil mahal kita".

"Alam mo Shea ko, magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi kita minahal dahil sa hitsura mo. Syempre, I have my own eyes to see what is preety and ugly." magsasalita pa sana ako pero agad nya rin akong pinigilan

"Shhhh... Don't talk, just let me hug you" as what he said, I let him hug me.

"Simba tayo mamayang 5 Ethan."

"Ok. Let's thank God for giving us a chance to met and to be a lover." Napangiti ako sa isinagot nya dahil sa buong akala ko ay tatanggihan nya ako tulad ni Clyd at ng iba pang mga lalaki dyan.

He's really different.

Tumagal ang yakapan session namin ni Ethan at pagkukwentuhan tungkol sa kung ano- anong mga bagay at mga pinaniniwalaan namin. Tawanan at kulitan sa loob ng mahabang mahabang minuto na halos ay mag-isang pras na pero isang vibrate lamang ng cellphone ang nagpatigil sa masaya kong mundo.

"S. V. Pumunta ka na dito sa hospital ngayon din, nag 50-50 ang mommy mo"

Isang text na nagpaguho sa buong mundo at pagkatao ko. Lahat ng saya, napalitan ng lungkot at takot.

'Please mommy, huwag mo akong iwan' mga katagang kanina ko pang inuulit ulit sa isipan ko.

Hindi ko pa kayang mawalan ng isang ina. Sya na lamang ang meron ako and I can't take it anymore if she will leave for the rest of her life.

"Shea"

"50-50 si mommmy Ethan. H-hindi ko pa kayang ma-mawala s...." Pumiyok ako at tuluyang humagolhol kay Ethan.

Muling nagvibrate ang cellphone ko at isang text na naman galing kay ate Lalaine, pinsan ko ang nabasa ko.

'S. V. Hinahanap ka ni tita. Come here as fast as you can. You're the only reason why she kept on fighting. You're her strength. Please, come here. She need you'

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itulak si Ethan papalayo sa akin at nagawang tumayo.

Umiiyak ako at pinagtitinginan ng maraming tao dahil 3 minuto na lang at mag-aalisingko na pero wala akong pakeelam. Naririnig ko rin ang pagtawag ni Ethan sa pangalan ko pero hindi pa rin ako tumitigil.

He Saved Me From Pain For Only Nine Hours (COMPLETED)Where stories live. Discover now