HSMFPFONH: 12:00-1:00

9 5 2
                                    

Continuation part 6 : 11:00 - 12:00 am

"I'm starving" reklamo nitong katabi ko ngayon.

Napairao ako sa kanya.

Duh!

Anong tingin nya sa akin!? BUSOG!? Eh kanina pa kaya kaming naglalakad! Paano ako mabubusog!?

"Tara kain" nakangiti nyang aya sa akin.

Napairap na lang ulit ako sa kawalan dahil sa ngayon nya lang naisip iyon at saka nag iwas ng tingin.

Teka!?

Kinusot ko ang mata ko sa pag-aakalang namamalikmata lang ako.

Si Clyd ba yun!?

"Clyd?"

"Huh!?" Hindi ko pinansin si Ethan at dali daling binitiwan at ang kamay nya dahil sigurado akong si Clyd nga ito.

Gosh!

"CLYD!" hiyaw ko at dali daling lumapit sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha nya pagkakakita sa akin.

Arghhh! Namiss ko talaga tong rabbit na to.

"CARROT!" Sinalubong nya ako ng yakap at syempre ganun din ako.

"Namiss kita carrot" niyakap ko sya ng mas mahigpit pa kesa kanina.

"Ako din, sobra sobra." Tinawanan nya lang ako at ginulo ang buhok ko. Habbit na nya yan eh, lalo na pag matagal kaming hindi nagkita.

Sya si Clyd Mayor. Ang nag-iisa kong boy bestfriend a.k.a. RABBIT!

"Bakit nandito ka? Ang init init oh" tanong nya at ipinatong sa aking ulo ang kamay nya. Ang sweet lang eh. Siguro kung hindi nag exist si Ethan, baka sa kanya ako nafall. Haha.

"Payakap nga ulit ako Rabbit! Namiss kita ng sobra ay!" Yayakapin ko na sana sya ng may biglang umepal.

"Mind to introduce me dyan sa kayakap mo?" Masungit nyang sabi sa akin bago ako hinila papalapit sa kanya.

Napatingin naman ako kay Clyd at nakatingin din sya sa akin. Ang pinagkaiba nga lang ay natatakot ako at sya naman ay nagtataka.

"Vinece!"

"Oo na nga! Eto na oh!" Nakapout kong sabi ng tawagin nya ako ng may pagbabanta.

"Ah Ethan, sya si Clyd, bestfriend ko. Clyd, sya naman si Ethan l---"

"Love of her life. Nice to meet you BESTFRIEND" Nakagat ko ang labi ko ng wala sa oras.

Kung sa ibang pagkakataon siguro 'to ay baka kiligin ako pero ngayon?

Gustong gusto ko ng umalis!

Nagugutom na ako at kanina pa kase silang magkahawak kamay at grabe pa kung magtitigan. Kaunti na lang at iisipin ko ng bakla tong si Clyd. Alangan naman si Ethan eh mahal na mahal ako nito!

"If you don't mind, we need to go. May pupuntahan pa kami ni Ven eh" pormal na sabi nya kay Clyd.

Gustuhin ko mang pigilan sya ay wala na akong magagawa. Ang seryoso na nya eh. Isa pa, gutom na ako!

Napatango na lang si Clyd at tumingin sa akin. I muttered my sorry bago nagpatianod sa paghila ni Ethan.

"Bestfriend daw eh grabe namang magyakapan. Tsk!" mahinang bulong ni Ethan.

Ano namang problema nito?

Huwag mong sabihing? Sumilay ang ngisi ko sa labi.

"Are you jealous?"

He Saved Me From Pain For Only Nine Hours (COMPLETED)Where stories live. Discover now