HSMFPFONH: 1:00-2:00

10 5 2
                                    

"What is life?"

"Ahmmm.. Life is a matter of choice. Haha!" andito kami ni Ethan sa hindi ko alam kung saan.

Basta nasa ilalim kami ng mayabong na puno na syang bagbibigay lilim sa amin ngayon.

"Tama ka dyan Ven Ven. Life is a matter of choice. Tingnan mo ako, pinili kong pumunta kaninang eight sa park kesa sumama sa restaurant at makipagjamming jamming sa family ko. And I am really thankful 'cause I met you."

"Alam mo Ethan, sa hinaba haba ng sagot mo hindi mo napoint out ang ibig sabihin ng 'life is a matter of choice'" reklamo ko sa kanya.

I lean my head unto his shoulder. Medyo inaantok na rin kase ako eh. Ngayon ko rin lang naramdaman ang pagod ng katawan. Napahikab ako at saka nagpikit ng mata.

"Whatever! Kwentuhan mo na lang ako tungkol sayo or kahit sa family mo" after he said those words, all memories had back in my head.

"I was just fourteen years old when my dad leave us. Halos gabi gabi kong tinatanong si mama kung bakit pero isa lang ang sinasabi nya, 'umalis ang papa nyo dahil mahal nya tayo' na hanggang ngayon hindi ko pa tin maintindihan. Irony right? Iniwan nya kami dahil mahal nya kami. After a year, nakabuntis si kuya and iniwan na rin kami. Then three years after that incedent, nalaman na lang namin na buntis pala si ate. Hindi kami nagalit even si mama. Masaya pa nga sya eh but unfortunately, she died the day she's delivering her child but luckily, nabuhay ang bata. Five years old na sya ngayon." I stoped ng maramdaman kong pipiyok ako pagpinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"I....I.... almost die when I found out na malapit na rin pala akong iwan ni mama. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa o kaya tumalon sa mataas na building o kaya naman mabangga na lang ako ng sasakyan kase wala na rin naman akong makakasama sa buhay pag nawala sya but then... I realized na ako na lang pala ang dahilan kung bakit lumalaban ai mama at gusto pang mabuhay." Yes, I do attempted to suicide but thanks God, He saved me.

"Sssshhh. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos dahil hindi ka nya hinayaang mamatay. There is a purpose tulad nga ng sinabi ko sayo nung una tayong magkita remember?" Tumango lang ako sa sinabi nya habang sumisinghot pa rin.

I remember that kase kanina lang naman yun nangyari eh. Ngayon ko lang narealize na ang drama ko pala kaninang umaga.

"Actually, nandun lang ako sa likod mo nung umiiyak ka. Inintay ko lang na lumuhod ka dahil yun naman talaga ang nangyayari kalimitan sa mga babae and tama naman ako" sinamaan ko sya ng tingin

"May pahiyaw hiyaw pa akong nalalaman kanina tas nandun ka lang pala. Kung sana nilapitan mo na agad ako edi hindi na ako humiyaw ng malakas"

"Excuse me, kung ginawa ko yun sa tingin mo magkasama pa rin tayo hanggang ngayon? Malamang hindi, kase wala akong chance na sabihin sayong lahat ng bagay ay may rason at hindi mo ako kokontrahin. Then hindi kita makakausap at pipiliin mo na lang na umalis kaya hindi kita matatanong kung pwedeng ako muna ang maging happy pill mo even just for today at hindi ko mararamdaman itong kakaibang saya na nararamdaman ko ngayon." Taas kilay ko syang tiningnan kase feeling ko plinano nya talaga yung nangyari eh.

Hindi kaya stalker ko itong si Ethan at matagal na nya pala akong kilala.

"Teka nga s--"

"Hindi ako stalker Vinece at mas lalong hindi ako mind reader. Nagkataon lang talaga na pagdaan ko sa park kanina para magpalipas ng galit ay ikaw ang nakita ko" pinaningkitan ko sya ng mata.

As in singkit talaga!

"Ikaw talaga, ang cute cute mo!"

"Aray ano ba!? Mashakit!" Hiyaw ko dahil sa pagpisil nya ng mapuputi kong pisngi.

Sensitive pa naman ang balat ko.

"Pfttt-- Ang cute mo talaga"

"Ano ba!? Shtop calling me cute. I'm not a dog!" Hinimas himas ko ang pisngi ko at naiinis na tumingin sa kanya.

Kainis naman eh!

Click*

Push*t!

"Kanina ka pa ah!"

"Remembrance" ngingiti ngiti nyang sabi bago itinago ang cellphone sa bulsa nya.

"Ano nga palang number mo Ethano?"

"Give me your phone" ibinigay o ang cellphone ko pero nakipagpalit ako.

Tinype ko rin ang number ko syempre.

Ang nakalagay sa name?

VenVenLoveko

Hinome ko ang cp nya at saka ibinalik sa kanya. Dali dali ko namag binuksan ang cellphone ko at pinindit ang phonebook.

Oh your devil cow!

EthanoMahalKo

"Pfttt--" Ang astig!

Haha..

Parehas kami ng pangalan sa phonebook. Meant to be talaga kami.

"We're really destined to meet each other."

"Yeah!"

Nagkatinginan muna kami saglit ni Ethan Mahal ko bago sabay nagsalita. Haha

"You're my destiny"








~HESAVEDMEFROMPAINFORONLYNINEHOURS

He Saved Me From Pain For Only Nine Hours (COMPLETED)Where stories live. Discover now