Twist of Love

11.1K 192 7
                                    

“Hindi ko alam ang pangalan niya pero hinding-hindi ko makakalimutan ‘yong mukha niya. Medyo messy ‘yong buhok niya, malaki ‘yong eyeglasses niya. . .Naka-black long sleeves siya, naka-maong pants, at naka-backpack. Grabe, sobrang cute niya talaga! Sorry, Babe, pero ang cute-cute-cute niya talaga!”

Pahaba nang pahaba ang nguso ko habang nagkukuwento siya.

“Kinuha niya ang number ko. . .”

“At ibinigay mo?” putol ko sa sinasabi niya.

“No, hindi ko binigay”, sagot niya.

“Akala ko ba crush mo siya?”

“Sobra pero kasama ko ‘yong jowa ko no’ng time na ‘yon.”

“Boyfriend?” tanong ko.

“D”zone nga, ‘di ba? So, shiboli bam bam.”

“I see.”

“Pero siguro, Babe, kahit kasama ko ‘yong jowa ko, kung siya mismo ‘yong humingi ng number ko, baka binigay ko”, nangingiting sabi ni Mej.

“Akala ko ba kinuha niya?” naguguluhan kong tanong.

“Ipinakuha niya. Sinundan ako ng kaibigan niya sa CR”, natatawa niyang kuwento.

“Tapos, alam mo ba, Babe, para lang makatitigan siya, niyayakap ko ‘yong jowa ko. So, habang nakayakap sa akin ‘yong jowa ko, nakatalikod siya at nakikipagtitigan ako sa crush ko.”

Teka! Teka! Teka! Parang pamilyar sa ‘kin ‘tong ganitong eksena.

“Itong jowa ba na ito ay mataba?”

“Oo”, natatawa niyang sagot. “Teka, pa’no mo nalaman?”, nawiwirduhan niyang tanong.

“Tapos ‘yong super-duper mega uber cute na tomboy na sinasabi mo ay naka-V Neck na black long sleeves, kupas na maong, at naka-Domo na backpack?”

“Oo”, nanlalaki ang matang sagot niya.

“Tapos sinundan no’ng cute na tomboy at ng kaibigan niya na humingi ng number mo sa CR sa labas ng D”zone ‘yong girlfriend ng Kuya mo. Hiningi nila ‘yong number mo pero ang naibigay niya ay ‘yong number ng jowa mo. . . Na mataba, according to Janna.”

“Janna? Yes, Janna ang pangalan ng no’ng girl na kumuha ng number ko sa CR.”

“Ito ba siya?” tanong ko habang sine-search ko sa Facebook ang account ni Janna.

“Oh, my God! Siya nga”, napatiling sagot ni Mej.

Katahimikan. Isang napakahabang katahimikan.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now