How to Move On?

22K 400 143
                                    

Ayoko na! Ayoko na talaga! Ayoko ng umasa! Ayoko ng magpakatanga! Ah, basta! Ayoko na! Period. No erase. Padlock. Tapon susi.

Iniwasan ko na si Ann.

👍Kapag kumakatok siya sa kuwarto, hindi ko siya pinagbubuksan.

👍Kapag nagti-text siya, hindi ako nagri-reply.

👍Kapag tumatawag siya, lagi kong dini-decline.

👍Kapag nagyayaya siya, hindi ako sumasama.

👍Hindi ako lumalabas ng kuwarto kapag alam kong makikita ko siya.

👍Ayoko na ring marinig kahit ang pangalan niya.

👍Pinipigilan ko ang sarili kong kamustahin siya. Okay lang ba siya? Okay lang ba sila?

👍Ayokong muling mapalapit ang loob ko sa kanya.

👍Kapag nagluluto siya, kumakain ako sa labas.

I think, ito talaga ang pinakatamang gawin, ang pag-iwas. Then, I get used to it. Nakakatulog na ako sa gabi na hindi nababasa ang unan. Gumigising na ako sa umaga na hindi gano’n kabigat sa pakiramdam. Sa tingin ko, ang pinakanakatulong talaga sa ‘kin ay ang pagdarasal. Araw-araw, gabi-gabi akong nagsusumbong kay Papa God.

“Papa God, ipa-realize naman po Ninyo sa ‘kin na ang cute-cute ko para iyakan ang taong hindi naman karapat-dapat sa luha ko.”

“Papa God, mahal na mahal ko pa din po siya. Sana po paggising ko bukas ng umaga, hindi na.

“Papa God, naririnig ko po ‘yong tawa nila sa kabilang kuwarto. Puwede po bang pakilipat ng Mt. Pinatubo sa kuwarto ni Ann tapos paputukin po ninyo?”

“Papa God, alam ko pong hindi Kayo ang lumikha sa mga malalanding nilalang. Kung gano’n po, sino po kaya ang lumikha kay Ann?”

“Papa God. . .”

“Papa God. . .”

“Papa God. . .”

Faith, I am so blessed I have that.

Hanggang sa nagising na lang ako isang araw na para bang pagaling na ang sugat na nilikha ni Ann. Sabi nga nila, “Ang sugat, malalaman mong gumagaling na kapag makati na. Kaya kapag broken hearted ka, malalaman mong magaling ka na kapag kumakati ka na.” Yohohohohoho.

Hanggang sa nagising na lang ako isang araw na handa na ako ulit magmahal.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now