Ang Pagbabati, Bow!

13.5K 213 28
                                    

“Naaalala mo ‘yong gabing sinundo mo ako?”, tanong ni Mej.

“’Yong ang ganda-ganda ko kasi naka-heels ako?” balik kong tanong.

“Oo, ‘yon ang araw na umalis si Jack papuntang Kuwait. At ‘yon din ang araw na nalaman kong hindi lang pala ako ang girlfriend niya. Dalawa pala kami. Gusto ko siyang ipaglaban pero alam kong wala ding mangyayari kasi kasama niya sa Kuwait ‘yong babae. Sa text lang niya inamin lahat. Nakakagago, ‘di ba? I saved her number. Roaming ang ipinangalan ko para if ever na makatanggap pa ako ng text galing sa kanya, alam ko kung anong number ang hindi ko re-reply-an. Alam ko kung kaninong tawag ang idi-decline.”

“I’m sorry.”

“It’s okay. Kasalanan ko na hindi ko naalalang burahin ang number niya.”

“No, no. My bad”, ako ko sa kasalanan.

“Alam mo ba kanina pa kita gustong puntahan. Kanina ko pa hinihintay ang text mo. . . Humingi pa nga ako ng sign. Sabi ko kapag nag-text ka, mahal mo talaga ako. Na hindi mo ako kayang mawala. Sabi ko, kahit isang text lang. . . Kahit period lang, pupuntahan kita. Kahit anong oras pa. Kahit umulan pa ng apoy. . . Kahit. . .”

“Hush!” I put my finger on her lips. “Mahal kita, mahal na mahal. Kahit wala pa ‘yang mga sign-sign na ‘yan. I was waiting for your text the whole day.”

“Naghihintayan lang pala tayo”, nakangiti niyang sabi.

“Kanina pa kaya ako pabalik-balik sa pintuan. Nilinlang ako ng three idiots sa baba. Coke lang ‘yong iniinom ko no’ng una tapos ‘yong huling baso, Jack Daniel’s na pala”, pagsusumbong ko. “Punong-puno ‘yon, Babe. Naubos ko tapos umakyat na ako sa kuwarto ko. . .”

“Kuwarto ng ex mo”, putol niya sa sinasabi ko.

“Trust me, I had no idea na kuwarto niya ‘yon, nakabukas kasi. . . So, pumasok ako”, paliwanag ko.

“Tapos?”

“Tapos kinalabog ko ‘yong pinto.”

“Tapos?”

“Dumapa ako sa kama.”

“Tapos?”

“Tapos na”, hindi ako makatingin ng diresto sa mga mata niya.

“Rule number three”, pangongonsensiya niya.

“Tapos minasahe niya ako. . . Pero hindi ko alam na siya pala ‘yon. As in hindi ko talaga alam na totoong buhay pala ‘yon, akala ko nananaginip lang ako.”

“Pero nasarapan ka sa masahe niya?”

“Tapos narinig na kitang kumakatok”, iwas ko sa tanong niya.

“Pero nasarapan ka sa masahe niya?” ulit niya.

“Babe, mahal na mahal kita. Pero nasarapan ako sa masahe niya. . . Baka kasi dati siyang masahista o baka puro lamig lang talaga ang likod ko. . . Babe, patawarin mo ako. I lawb you”, labas ang dilang lambing ko.

“Ang cute-cute-cute mo”, lambing niya habang kinukurot ang pisngi ko.

Ouch! That was a real pinch.

“Babe, stop it! Masakit!” atungal ko.

“Uulitin mo pa ‘yon?” tanong niya habang pasakit nang pasakit nang pasakit ang kurot niya.

“Hindi na po."

“Totoo?”

“Opo.”

“Okay”, sabay bitaw niya sa pisngi ko. In fairness, naging super-duper mega uber rosy ang cheeks ko. Yohohohohoho.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon