Writing Her a Song

29.3K 414 77
                                    

I find myself playing the guitar. Tipa lang ako nang tipa. Bahala na kung anong chords ang magawa ng mga daliri ko.

Pluck! ♫ ♬ Pluck! ♫ ♬ Strum! ♫ ♬ Strum! ♫ ♬ 

D ♫ ♬  A ♫ ♬ Bm ♫ ♬ G ♫ ♬ 

Paulit-ulit lang ang chords. Ang sarap sa tenga. Napapangiti ako. Aliw na aliw ako sa ginagawa ko. Hanggang sa hindi ko namamalayan na kumakanta na pala ako.

D ♫ ♬  A ♫ ♬ Bm ♫ ♬ G ♫ ♬ 

I never believed in love at first sight

D ♫ ♬  A ♫ ♬ Bm ♫ ♬ G ♫ ♬ 

Until the day that you came into my life

D ♫ ♬  A ♫ ♬ Bm ♫ ♬ G ♫ ♬ 

Hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬

I can’t believe it. Nakadalawa agad akong lines habang iniisip ko si Jane. I can’t imagine na kaya ko siyang gawan ng kanta.I mean, we just met. I just saw her last night. Well, this girl must be really special.

“Aba! Ang aga magising ng Baby ko ah”, bati ni Ann sabay yakap sa aking likuran. “May ginagawa kang kanta?” nakangiti niyang tanong.

“Huh? Wala ‘to. Um, may naisip lang akong magandang tono”, pagsisinungaling ko.

“Parinig nga ako”, hiling niya.

“Saka na, kapag natapos ko na”, tanggi ko.

“Basta, promise me. Ako unang makakarinig ah”, paglalambing niya.

“Baby, alam mo kumain na tayo. Ang dami ko ng gutom oh”, iwas ko.

Nagi-guilty ako. I feel like I’m cheating on her. Sabi kasi nila, cheating isn’t always kissing, touching, or flirting. Once na may tinago ka sa partner mo, that means you’re already there.

“Baby, magdi-dinner pala kami mamaya ng family ko”, pagbabalita ni Ann.

“Can I come?”

Alam ko na kung anong isasagot niya pero nagtanong pa din ako. Nagbabakasakali na umoo siya. Wala namang masama kung magta-try ka, ‘di ba? There’s no harm in trying, ika ng nila.

“Baby naman eh. Alam mo naman, ‘di ba? Hindi talaga puwede. I’m sorry.”

“Okay lang. Joke lang. Alam ko naman. Hello? Joker kaya ako”, pilit ang ngiti kong tugon.

Hay buhay! Hindi na ako nasanay. Wala lang. Sobrang nakakalungkot lang.

Kesa magmukmok ako habang wala si Ann, maggigitara na lang ako. Kahit papa’no, gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit papa’no, nakakataas ako.

“Ano na nga ba ‘yong kinakanta ko kanina? D-A-Bm-G. Love at first sight, into my life.”

Hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬

Naisip ko ‘yong ngiti niya, ‘yong titig niya, ‘yong paglingon niya, ‘yong mukha niya. Argh! Paulit-ulit na nagpi-play sa isip ko. Bakit parang kinikilig ako? Bakit habang iniisip ko siya, abot-tenga ang ngiti ko?

Hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬

D ♫ ♬

With just one smile

A ♫ ♬

With just a single look in the eye

Bm D ♫ ♬

With just one glance

G ♫ ♬

I fell in love

Hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now