3

1K 57 17
                                    

Jackielyn

PRESENT TIME

"Ate Jackie, nandito na yung mga cocktail dresses and shoes na galing kay Ate Rori!" Narinig kong sabi ng kapatid ko habang na sa ground floor siya ng aming bahay. Nakabukas ang pintuan ng aking kuwarto kaya narinig ko siya.

"Okay, paki-hang muna dyan sa hagdan tas pagdating ni Malik pakisabi i-hang sa kotse niya, please? " Sabi ko habang inaayos ang make up kit at gamit ko para pagdating namin sa venue at nakapag-set up na sa catering, magbibihis na lang ako at make-up para sa high school homecoming event.

"Ano pa bang nakakalimutan ko? Dapat maalala ko bago ako maligo. " Tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko ang pagkain namin ni Malik papunta sa venue dahil baka maabutan kami ng ng tanghalian sa daan. Ayaw pa naman ni Malik ng mga pagkain sa fast food drive through dahil minadali daw ang mga pagkain doon. Mas gusto niya yung pagkain na gawa sa bahay at binilin niya sa akin na gumawa ako ng mga sandwiches.

"Adie, favor. Pakisabi kay Yaya yung mga sandwiches na ginawa ko ilagay na sa lunch bag saka yung jug ng tubig. Ibigay niyo kay Malik para ilagay na din sa car niya." Paalala ko pa sa may pintuan.

"Andito na din si Bayaw." Announce ng kapatid ko sa ground floor ng aming bahay. Ang tinutukoy nitong bayaw ay si Malik. Napangiti na lang ako dahil nanunukso si Adie. Gumaganti ito sa akin dahil tinutukso ko ito kay Ino na kapatid naman ni Rori. Si Ino kasi ang inutusan ni Rori na maghatid ng mga cocktail dresses at shoes na pinadala ni Rori dito sa bahay, dahil high school reunion namin. She designed the cocktail dresses for me, Pinkie, Rainbow, and Shayla. The cocktail dresses and shoes were free because Rori was generous to us that way as she considered us her family. Sayang lang at hindi makakasama ang isa pa namin na best friend na si Tanya dahil nasa Brazil ito.

"Okay! Saglit lang. Maliligo lang ako." Sabi ko na hindi na kinontra si Adie dahil wala naman kay Malik iyon kung tawagin siyang bayaw ng kapatid ko.

Hindi siya affected, samantalang ako kinikilig ng palihim. Hmp!

I looked at the time and it was already 9:00 am. Although the event was at 3:00 pm, nagaalala akong baka ma-traffic kami at ma-late sa pagse-set up. Kailangan ko din mag-alot ng time sa probability na baka may mga unforeseen situations kaming kailgan i-manage. Our target time to leave my house was at 10:00 am, dahil ayoko ng kinukulang ng oras. Mabuti na lang at tinutulungan kami ni Adie.

Abala si Adie sa pag-recheck ng listahan ng mga dapat namin dalin ni Malik, at kausap din nito ang crew namin sa Gustoso, habang naglo-load sa catering truck ng mga kagamitan.

Iniwan ko na lang na nakabukas ang pintuan ng aking kuwarto at ang pintuan ng bathroom para marinig ko si Adie na nasa ground floor kung sakali man na meroon kahit anong concern.

Nagmadali na akong maghubad ng damit sa aking kuwarto para maligo. I just grabbed my bathrobe. Sinampay ko ito sa may shower curtain rod at sinara na ang curatin rod. I turned the shower heater on and opened the shower. Bumuhos sa akin ang malamig na tubig kaya napatili ako. Nakalimutan ko kasi na nasira nga pala ang shower heater ko.

"Anlamig!" Napatili ako at nagmadaling mag-bathrobe, para lumipat na lang sa kuwarto ni Adie upang doon maligo.

Pagbukas ko ng kuwarto ni Jackie ay naghubad na ako kaagad at nagpatuloy maglakad papunta sa bathroom ng kapatid ko.

No time to lose. Nakakahiya kay Malik paghintayin ko siya samantalang ang aga niya dumating. Usapan namin 10:00 am niya ako sunduin, pero 9:00 am pa lang nandito na siya. Kakatuwa! Siguro gusto niya ako kaagad makita. Char!

Pag pasok ko sa loob ng bathroom ay hinawi ko kaagad ang Pink shower curtain, at nakita ko ang kasing tangkad ni Malik na nakahawak sa pader. Malapad ang likod nito, makinis at ma-muscle din. Napahagod din pababa ang mga mata ko papunta sa kaniyang pang-upo. Kasing laki nung kay Malik. Matambok din.

Only You & Me (Published in Dreame app)Where stories live. Discover now