1

1.4K 60 27
                                    

Jackie

"How many times do I daydream about making love to you?" Tunog ng mobile phone ko. Ito ang assigned ring tone ni Malik Pontes na best friend ko sa aking mobile phone. Sabi ni Malik ang "Stick Around by Azure" daw ang kanta niya para sa akin. It was a 1997 song that he liked. Ito daw ang kanta niya ito para sa akin.

Kahit parang pang-boypren ang kantang iyon ay pinabayaan ko na lang na ito ang assigned ringtone para sa numero niya. Kasi naman kung babaguhin ko pa, binabalik din naman ni Malik sa dati. Mga eight years na naming paulit ulit ginagawa ito, lalo na kapag nabu-buwisit ako sa kaniya, nagagalit, o kaya palihim akong nagseselos. Tapos, kapag nalalaman niyang iba ang assigned ringtone ko sa number niya ay gagawa siya ng paraan na palihim na baguhin ulit iyon.

"Take you to a special place where it's only me and you... I put away all your troubles on the other side of the world and wrap my arms around your heart, and tell you you're my girl..." patuloy na tumunog ang mobile phone ko.

Pinilit kong ibuka ang aking mata habang naririnig ang ringtone ng mobile phone na regalo ng best friend kong si Malik Pontes.

Yes, galante ang matsing na yon. Kungdi ko lang matalik na kaibigan ng 8 years ang lalakeng yon, iisipin ko type nuya ako. Char!

Anyway, dahil nga siya din naman ang bumili ng mobile phone na iyon, hinayaan ko na siya mangalikot ng mobile phone. Wala naman kasi akong nililihim sa kaniya. At kapag may mga secrets akong pinaguusapan kasama ng mga girlfriends ko na sisters-in-law niya, over the phone namin pinaguusapan para walang ebidensya.

Sabi ni Malik sa akin, kaya gusto niya ang kanta na Stick Around ay dahil saktong sakto daw kasi ito para sa feelings niya para sa akin!

Napaka-bolero talaga! If I recall, kanina nga lamang umaga ay iniwan niya ako sa ere! Naturingan best friend ko siya at business partner sa Gustoso Restaurant and Catering services! He promised me that he would assist me. Noong umpisa tumutulong sa akin mag-set up ng food kasama ng mga crew namin. Nung makakita ng magandang babae at nagkatitigan sila, ang hinayupak, biglang nawala! Ang promise pa naman niya sa akin ihahatid niya ako dito sa bahay kanina nang matapos ang event. Pero dahil nga nag-disappear ang loko-loko, hindi na ako nakapag-hintay. Umuwi na lang ako mag-isa.

Nakakasama siya ng loob! Isa pa'y kailangan ko rin naman kasing maaga magpahinga dahil may catering din kami the following day. Pinaghahandaan ko itong catering event na'to kasi kami ang magke-cater para sa homecoming high school batch ko. Matutulog ako ng maaga para fresh at hindi hagardo!

Kaya lang nagpatuloy sa pagtunog ang aking mobile phone. "So let's go steal away in the night...and we'll go far away from here... tell you that's where our love is right...can I take you to my world?"

Bahagya na akong nakakaramdam ng inis. Sinilip ko ang oras sa aking mobile phone at 3:00 am na ng madaling araw.

Napaisip ako kung bakit tumatawag ang matsing na ito.

"Kung ang purpose ng pagtawag ni Malik ay para gisingin ako para makapag-prepare for our catering event, mashado pang maaga!

Sa tingin ko nangungulit itong si Malik dahil guilty siya. Iniwan kasi niya ako sa ere kanina. Well..." napabaling ako sa mobile phone ko. "Ma-guilty ka ngayon! Siguro hindi ka makatulog! Buti nga sa'yo! Hmp!" I said and dropped the call. I placed my phone beside me and slumped myself on my bed to try to get some sleep. Pumikit ulit ako, ngunit ilang segundo lang ay hindi pa din ako mapakali. Naiisip ko si Malik. Sinubukan kong humanap ng puwesto sa kama upang muling matulog. Subalit muling nag-ring ang aking mobile phone.

Tumatawag na naman si Malik!

"Putragis!" Inis kong sabi at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone at muling nireject ang tawag niya. "Mahal kita pero inis pa din ako sa'yo! Patulugin mo muna ako baka sakaling mawala ang bwiset ko sa'yo!" Naiinis kong sabi sa mobile phone ko, at ginawa kong mute ang mobile phone, saka muling humiga.

Only You & Me (Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon