10. **Her Love**

7.7K 151 13
                                    

My Super Boyfriend

storyline by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

10: **Her Love**

 

Reikko Shadows / Sushi's POV

Nakaupo lang ako sa sahig habang nakapiring ang mga mata. Alam kong kahit tanggalin ko pa „to. Wala din akong makikita dahil madilim rin ang lugar na „to. Wala kasi akong maaninag na ilaw galing sa blindfold. Halos isang lingo na „kong hindi umuuwi kay Sami. Alam kong nag-aalala na sya saken. Siguro at this time, alam na nya kung sino talaga ako at saan ako galing.

Gusto ko na sya makita at makapagpaniwalag sa kanya tungkol sa gulong nangyari sa buhay ko ngayon. Pero mukhang kelangan ko muna ayusin ang gusot sa pagitan namin ni Daddy.

Hindi sila dapat madamay ni Mama Elisse sa problema ko. I need to fix and finish this all by myself.

Narinig kong bumukas ang pinto at may mga yabag rin ng mga paa. Mukhang di lang iisang tao ang pumasok dito. Pero parang hindi rin si Daddy yung tao.

"Reikko, stand up there. You have a visitor." Sabi nung isang guard.

Bisita? Sa akin? Mukha na ba talaga akong preso?

"Hurry up!" sabi nung isa at pinwersa akong tinayo at tinaggal yung blindfold sa mata ko.

"Visitor? Do you think someone?s visiting me here?" sarcastic yung pagkakasabi ko sa kanila.

"Hahaha. Take it easy boy! Just wait her alright? Don?t think twice of escaping here. You might die with just a wrong move."

Her?

Lumabas na yung tatlong guards at iniwang bukas yung pintuan. Saka naman pumasok yung sinabi nilang bisita ko.

***

Di ako makapaniwalang nakatayo sya sa harapan ko ngayon. Kinusot ko yung mata ko at pumikit ulit. Saka sya lumapit saken at niyakap ako.

"Sushi.."

Sya nga... Hindi to panaginip. Hawak ko sya, kayakap ko sya, tinawag nya ako..

"Sami! Ba't nandito ka? Anong ginagawa mo dito ha? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?"

"Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Wala naman silang ginawa masama sa akin." Nginitian nya ako.

"Sigurado ka?"

"Oo naman! Nakausap ko na nga pala ang Daddy mo."

Kinausap nya si Daddy? Pero bakit naman kaya? Ano na bang nangyayari sa paligid? Ang weird.

"Anong sinabi nya sayo?" natatakot ako na parang ewan.

Sa halip na sagutin nya yung tanong ko, humawak sya sa kamay ko at saka hinila ako palabas sa madilim na kwarto.

"Sami, di ako pwedeng tumakas. Magagalit si Daddy."

Tumigil sya sandal sa paglalakad at ngumiti na naman saken. "Grabe ah. Ang virgin ng sagot mo Sushi haha. Wag mo na lang alalahanin okay? Ang gawin mo na lang, maligo ka at mag-ayos ng sarili. May pupuntahan tayo."

"Pupuntahan? Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagusapan nyo ni Daddy? Sabihin mo nga saken Sami!"

"Wag ka na magtanong Reikko Avery Shadows. Do whatever I say to you." Seryoso pagkakatingin nya saken pero mas nagulat ako nang banggitin nya yung real name ko. ngayon, mukhang alam na nya talaga ang lahat.

My Super BoyfriendWhere stories live. Discover now