3.2. **The Date**

9.5K 171 6
                                    

My Super Boyfriend

Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi:  Absolute Boyfriend

Ewan ko kung bakit sumama ako rito sa lalakeng to. Date daw kami. Date niya mukha nya. Ang dami nyang alam e. nag-taxi kami papunta sa mall malapit din sa Asters. Nako, walang ginawa si Sushi kundi tingin ng tingin sa mga views sa magkabilang bintana ng taxi. Akala mo ngayon lang nakapunta sa kabihasnan e. Di naman sya mukhang galing sa probinsya pero kung umasta akala mo mas masahol pa sa di pa lumuluwas ng Manila . Di ko sya maintindihan. Ang laki nyang damulag pero para syang bata kung kumilos e. Nakakaasar sya.

"Oyy Sushi, umayos ka naman dyan. Parang ngayon ka lang makakapuntang mall e." napakamot na lang ako ng ulo sa pinaggagawa nya.

"Bakit ba Sami? Eh sa ngayon na lang ulit ako nakapuntang mall e. Haha. Ang saya mag-sight seeing."

"Tss. Ang weird mo. Teka, bakit nga ba tayo pupunta ng mall ha? Tapos naman na ang birthday ko. Birthday mo ba?"

"Hindi ko birthday Sami girlfriend. Gusto ko lang magmall tayo pareho, para ito na rin ang first date natin."

Sa inis ko, sinapok ko na naman ulit siya.

Yan! Yan ang bagay sayo. Ang kulit kasi e! puro date ang iniisip kaya yan tuloy, palagi syang may libreng sapak saken. Pasaway kasi!

"Aruy naman Sami. Bakit ba? Ayaw mo ba ako ka-date ha?" Nagpa-puppy face na naman sya saken. Bakit ba kapag inaaway o sinasapok ko sya, laging ganyan ang pagmumukha nya? Kala nya naman maku-cute-an ako? ASA! Mas naiinis lang ako lalo sa kanya.

"Hindi ito date! Di kita boyfriend at lalong di kita boyfriend okay?"

"Eh ano tayo?"

"Walang tayo Sushi. Friends lang tayo. Friends? Hindi pala. Acquaintance. Magkakilala."

"Spell 'acquaintance' sige nga Sami!"

Aba aba! Hinahamon ata ako neto sa spelling e! "Acquaintance: A-C-Q-... err friends na nga lang! Nalimutan ko na."

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang hina mo naman sa spelling Sami girlfriend! Tsktsk. Mas matalino pa pala ako sayo nyahaha."

"Sus! Eh ang hirap kasi nun e! bakit? Ikaw alam mo ba spelling nun ha? Yabang mo rin Sushi!"

"Oo naman. Parang acquaintance lang e. A-C-Q-U-A-I-N-T-A-N-C-E. Acquaintance! O diba ang galing ko Sami girlfriend HOHO!"

Napahiya naman ako dun. Sige na. siya na ang marunong sa spelling. Di ko na lang sya pinansin. Baka mas mapahiya pa ako e.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na din kami sa mall. Si Sushi? Wag nyo na itanong. Kung ano sa tingin nyo ang reaksyon nya, yun na „yun. Ang pa nga ba kundi nagtatalon at pumalakpak. Nakakahiya kasama ang manyaks na to e. Bwisit.

"Sami."

"Oh?"

"Akin na yang bag mo." Ang bag ko?

"Bakit na naman? Mangingialam ka na naman ng gamit ko ha?"

"Hindi ah, ginagawa ko lang ang gawain ng boyfriend sa kanyang girlfriend. Maging gentleman lang. baka kasi nabibigatan ka sa bag mo e."

"Eh? Okay ka lang Sushi? Ayoko nga! Kaya kong dalhin ang bag ko. Di ako weakling ano! Baka nga mas malakas pa ako sayo e."

"Talaga? Mas malakas ka pa saken?"

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon