9.1. **His Real Identity**

7.6K 131 5
                                    

My Super Boyfriend 

Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

9.1 : **His Real Identity**   

Sami's POV

Ilang araw akong hindi makatulog kakaisip kay Sushi. nakakainis nga e, gabi gabi akong umiiyak dahil sa pag-aalala ko sa kanya. Halos lahat kasi ng pwedeng puntahan ni Sushi, pinuntahan ko na para lang makita sya. Umaasa nga ako na sana isang araw, pagbukas ng pintuan may magsasabing „Sami girlfriend, I?m home!? pero mag-iisang lingo na, wala pa rin sya. Ilang beses ko na ring kinontak si Auntie Elisse peor cannot be reached sya. Kaasar talaga >///<

Hanggang ngayon, di ko pa rin maintindihan kung bakit nagkaaberya sa „pagbili? ni Auntie kay Sushi. Hindi ba nya na-full payment? Installment basis lang ba ang ginawa nya o ano? Sobrang naguguluhan ako.

Wait.

Yung box na pinaglagyan kay Sushi!

Tama! Baka doon masagot ang mga tanong ko.

***

Nagmadali akong pumunta sa basement at kinuha yung malaking box na pinaglagyan kay Sushi. Hanggang ngayon, naweweirduhan pa rin ako kung bakit doon sya nilagay na parang pangregalo lang sa mga bridal showers >.<

Pagbukas ko nung box, may nakita akong manual about sa Superboyfriend Series ek ek.. Hindi ko na nga binasa dahil nagugugluhan talaga ako. Ang mahalaga kasi saken ngayon ay si Sushi. saka na ang manual na 'yan.

May isang clear folder akong nakita sa ilalim ng manual. Ewan ko ba, pero parang kinakabahan ako na di ko maexplain kung bakit. Ang nakalagay kasi sa first page : Ideal Enterprises Certificate of Agreement. Sinimulan kong basahin yung mga naunang paragraphs. Pero wala e. ang hina ko umintindi ng English. Sarreh =_= Binrowse na lang ng mga mata ko yung ibang nakasulat. Nung nasa may bandang dulo na ako ng agreement, nakalagay yung price kung magkano ang worth ni Sushi.

Relax.

Hinga ng malalim..

0.0

Weh? Totoo ba „to? Six million?! Binili ni Auntie Elisse si Sushi para saken sa halagang anim na milyon? O__O sa ganun kalaking pera? Whoa.

Binasa kong mabuti yung last paragraphs, ngayon alam ko na kung paano nagkaaberya at kinuha ng Ideal Enterprises si Sushi. may utang sya ng 1.5 million. Sobrang kakaiba talaga. Anong meron sa kumpanyang ito at ang mahal ng presyo ni Sushi? Sa ibabang portion ng document, nandoon yung pirma ni Auntie Elisse, yung may ari ng Ideal Enterprises at si..

Reikko Shadows?

Sino naman ang epal na to?

Teka, bigla ata akong kinutuban ng di maganda..

***

Kinuha ko yung laptop ko at nag-open ng web browser. I searched for the name Reikko Shadows sa internet, limitado lang ang mga lumabas na results. Pero may isa akong nakitang site na may something about him. Pag-click ko, isa pala yung website ng isang university sa US na may profile ng mga estudyante nila. Bago ko basahin yung article, tinigna ko muna yung image result sa may right side nung page.

...

...

...

What the packaging tape!!

...

...

Ang superboyfriend ko na si Sushi...

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon