2.**Sushi**

12.6K 217 17
                                    

Chapter Two

Sushi

Hay! Ang sakit ng ulo ko. Anong oras na ba ako natulog? 5 oras? 6 na oras? Napadami rin kasi ako ng nainom kagabi e. Bakit ba? Sine-celebrate ko lang naman ang birthday ko mag-isa. Kaysa naman saluhan ko yung pasaway kong pamilya. Mabuti pa yung ganito e. Yung solo lang akong nabuhay.

Simula kasi nang mag-college ako, kinumbinsi ko na sina Mama at Papa na mag-aapartment na lang ako. Gusto ko kasi mabuhay ng independent. 'Yung walang nangingialam sa lahat ng desisyon ko. Ayoko kasi ng may sumasagabal sa lahat ng gusto kong gawin. Sinubukan kong magtrabaho para magkaroon ako ng sariling income. Pero dahil nabulilyaso ako ng mga magulang ko, pinatigil nila ako. Sabi nila atupagin ko na lang daw ang mag-aral. Kainis nga e. lahat na lang ng mga bagay na gusto ko, puro na lang sila angal o kaya pinagagalitan ako. Alam niyo yung ganung pakiramdam? Yung lahat ng gusto mong gawin,bawal? Asar.

Yung tungkol naman sa pagiging ganito ko—tomboy, lesbian, lesbo etc. Di ako yung eksaktong stereotypical na ganun. Hindi ko tinatago yung dibdib ko gamit ang girdle o sando. Di rin ako nagsusuot ng mga maluluwag na tshirt na panglalake. Kung ano yung mga damit pambabae, yun ang sinusuot ko. Di ako cross-dresser. Yung buhok ko, mahaba rin. Ayoko magpagupit ng gupit binata. 'Di kasi bagay saken e. Kung titignan talaga ako, parang totoong babae. Pag nagsimula na akong gumalaw, ah ibang usapan na iyon.

Tulad rin ng ibang 18-year old na estudyante, sophomore student ako sa college. Sa Aster School for the Arts ako nag-aaral. Fine Arts Department. Sa totoo lang kasi, 'di ako ganung kagalingan na magdrawing, maganda lang ako magkulay. Yun. Pero drawing, painting at sketching? Nah. Stick lang ang kaya kong gawin. Seryoso. Di ko nga alam bat yan ang kinuha kong kurso at hanggang ngayon di pa rin ako nate-terminate sa course ko.

9:30 am yung una kong klase. Pero 9am na, nandito pa rin ako sa apartment. Wala rin naman kasing mangyayari kung papasok o male-late ako e. Malapit na rin kasi akong idrop nung prof kong kalbo pero bading naman, nagmadali na akong naligo at nag- ayos. Sa school na lang siguro ako kakain. Wala na kasi akong oras.

Teka. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Ay.

Wala akong matandaan. Makaalis na nga.

"Good morning girlfriend! How's your sleep?"

What the hell. Ano raw? Girlfriend? Mag-girlfriend na sapak gusto mo?

"Sino ka? Wala akong boyfriend! 'Di tayo talo pre!" tinulak ko siya tapos nagsimula na akong naglakad.

"Pre? Di ako 'pre. You should give me a name Girlfriend. Para naman official na ang relationship naten diba?" tumigil ako sa paglalakad at sinamaan ko sya ng tingin. Naka-drugs ba to?

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Di kita kilala. At saka, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Paano mo ako magiging girlfriend e ako nga walang girlfriend!?"

Nanlaki yung singkit niyang mata sa sinabi ko. Seryoso. Anong klaseng joke to?

"Ibig sabihin, t-tomboy ka? Lesbian? Lesbiana? Tol?"

Tumayo ako ng direcho tapos nag-chin up. "Oo! Bakit? Diba halata?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tas hanggang ulo ulit. Tas biglang umiling. Ano to? Insulto sa pagkalalake ko? "Hindi e. hehe. Sorry girlfriend. Hindi bumenta yang acting mo saken.."

Bigla siyang ngumiti ng maluwang, taena. Bwiset to ah! Acting daw?! Gulpihin ko siya nang makita niya na hindi to acting!

"Sino ka bang ungas ka ha?! Ipapapulis na kita e!"

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon