Chapter 25

13 0 0
                                    

xxv—

Hinarap ko sa kanya ang palad ko, "10K," sabi ko habang lulan kami ng kotse papuntang Rockwell.

"Scam ka pa ha, iyong lalake mo ang nagbayad doon."

"Hoy. Binayaran ko yun ah!" pinakita ko sa kanya ang proof of transfer. "Saka hindi ko lalaki si Jake!"

Umiling iling lang siya at binalik sa hita ko ang palad niya. Nang palapit kami sa isang cafe ay pinastop ko muna siya.

"Nagugutom ako saka gusto ko ng kape," sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. Just before I open the door, he opens it for me at saka niya ako giniya papasok ng cafe. We still have plenty of time pa naman.

With our fingers intertwined, we enter ths shop.

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano," sabi ko while searching for the garlic bread.

"May bibimbap pala dito. Gusto mo?" sabi niya nang hindi binibitawan ang kamay ko.

"Ayaw."

"Cheesecake?"

"Ayaw."

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. "Kahit ano tapos ayaw mo mga sinasuggest ko?"

"Kahit ano nga basta may garlic bread," masungit kong sabi sa kanya.
Nanliliit ang kanyang mga mata.

Bumuntong hininga siya, "Drinks? Kapag kahit ano ulit sagot mo ikaw bumili mag isa mo," banta pa niya.

"Bakit ganyan ka sa akin?"

"Huwag mong sabihing iiyak ka dito?" Sinimangutan ko siya. Bakit lagi niya akong kinokontra.

"Americano," malamig kong sa kanya. Ngumiti siya sa expression ko at saka niya hinalikan nanng likod ng palad kong hawak niya pagkatapos ay  nagpunta na siya ng counter.

Wala si Ma'am Sheila sa araw na iyon, nakaleave daw kaya kay Ma'am Elena ako nakitabi para magaturo, wherein ang totoong nanyayari ay tumutulala lang ako.

"May boyfriend kana, be?" tanong niya sa akin habang busy siya sa kannyang computer.

"Meron po."

"Ay buti naman kung ganoon. Wala akong kaagaw sa mga boys,"

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya pero pinagkibit balikat ko nalang. What do you mean, Ma'am?

Ma'am Elena is a middle aged woman na mukha itong stressed sa buhay. She looks intimidating, too, with her sharp almond eyes. Samahan mo pa ng dark na medyo pink niyang lippy. Napansin ko sa mga araw na naririto kami, mukhang ayaw sa kanya ng mga lalaki.

"May ipapagawa ako sayo, be." sabi niya at saka ngumiti nang humarap siya sa akin, "Ang ganda mo talaga. Mukha kang barbie."

Parang sarcastic pa siya kung mamuri.

Lumapit sa akin si Lalaine para makita ang gagawin. Bago binigay ni Ma'am Elena, diniscuss muna niya ang mga gagawin gamit ang malakas na boses.

"Ano ang OSI layers?" tanong niya pero nanatili lang kaming tahimik ni Lalaine. Ano nga ba yun?

Her bubbly aura was changed into intimidating one nang wala talaga kaming masagot, "OSI, hindi niyo alam?!" nagtaas na ang boses niya.

Sino talaga ang hindi alam ang OSI layers eh ikaw Ma'am ang nagtatanong kung ano yon.

"Lena, chill... Huwag mong stressin mga bata, 'to naman." suway ni Ma'am Mia sa subordinate.

"Kasi naman OSI lang hindi nila alam, na stressed ako sa kanila. Sino bang nagpasok sa kanila dito?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Pasensya na po kung bobita ang OJT niyo pero wala namang ganyanan. Huwag na huwag mong isisi ang kabobohan namin sa iba.

"Subnetting? Marunong kayo?" nang hindi ulit kami sumagot ay napasandal ito sa kanya ng upuan, "My goodness, may use ba sa atin itong mga OJT na 'to?"

"Kung tuturuan at hindi sisigawan ay meron," sabi ni sir Shawn nang hindi man lang tumitingin sa amin.

"Anong sense ng school?" Masungit na sagot ni Ma'am Elena na nang snob pa kay Sir. Sa huli ay pinalipat kami ni Ma'am Mia kina Sir Shawn. Takot akong tumabi kay Sir Uly dahil ang dudumi ng mga lumalabas sa bibig niya.

"Tatanungin ko ulit kayo bukas," sabi pa ng dabyana.

Hindi kami naglunch, tumambay kami sa rooftop nina Harvey at Lalaine, still upset with what happen.

"Ayoko na mag OJT," sabi ko habang nakatulala.

"Ako din. Mapapaaral pa yata tayo ng wala sa oras," sumandal ako sa balikat ni Lalaine.

Tahimik lang si Harvey na nakatingin sa mga nagyoyosi. Ang rooftop kasi ang yosi area ng mga emplyado ng building na ito.

"Okay lang 'yan. Pagpasensyahan niyo nalang kaya hindi namin masyado ng kinakausap yon."

Napatingin kami kay Sir Shawn na bagong dating. Sa likod niya ay sina Sir Uly at Sir Willian, hindi sila lumapit dahil nagyoyosi sila.

"Culture shock lang siguro sir," sabi ni Harvey. Sir Shawn offered him a stick, tiningnan niya lang iyon. Mukhang gustong mag smoke ni Harvey but he's not the type to smoke.

Chano:
Kumain kana? May nakakita raw sayo sa rooftop.

Ako:
Pahangin lang. Hindi na ako kumain, busog pa ako.

Dalawang beses ba naman ang breakfast ko.

Hindi na siya sumagot sa message kong iyon. Kaya nakipagkwentuhan nalang kami sa mga boss kahit na naaasiwa ako sa kanila.

And then someone caught my attention on the far left of my sight, marami siyang mga kasama. She's too pretty not to notice. I can't be wrong. It's Julia--Chano's beloved ex.

Why is she here? Bumalik na siya galing ibang bansa? Kailan pa? At dito ko pa siya mismo makikita sa building nina Chano?

I saw her heading to the exit. Nagpa alam ako sa mga kasama, kunwari ay may kukunin sa baba.

Sinundan ko siya. It's a struggle to hide from her inside the elevator. I'm at the corner.

Nanlamig ako nang makita ko siyang sinuot ang ID niya, Axense logo's printed on her lanyard. Sa Axense siya nagtatrabaho?

Ibig sabihin, alam ni Chano na andito ang ex niya? Hindi ako naniniwalang wala silang interaksyon without my knowing.

Si Julia ang nagtagal sa mga girlfriends ni Chano so I assume Chano already has feelings for her and they almost got married if we didn't.

Parang sumasakit ang puso ko, If I still see him as the Chano who never cared for me, I'd think may milagro silang ginagawa ni Julia. But no, Chano cares for me now and that's all that matters.

But I can't help but worry, what if he decides to be with his first choice?

Paano na ako?

Natawa ako sa sarili. Nahihibang na yata ako sa paraang naiisip, masyado na akong nalulunod kay Chano.  Desperado na ako, ayaw at takot akong mawala siya sa akin.

Worst comes to worst, I will bed Chano tonight and I will make it sure I'll be pregnant.

Pipikutin ko na.

Daily Dose of Vitamin CWhere stories live. Discover now