Chapter 09

17 0 0
                                    

ix—

"Miss Roque!" bulyaw sa akin ni Ma'am Ara, "Kahit sa mga Prof ay ang maldita mo. Tonta na nga, maldita pa! Kaya ka hindi nakakagraduate!"

"Hindi nga kasi ako 'yun!" Napagtaasan ko rin siya ng boses. Nararamdaman ko na ang pag init ng mukha ko dahil sa galt.

"Sierra!" saway sa akin ni Chano. Bakit ang gwapo niya kahit salubong ang kilay niya?

Umiling ako to erase the thought.

"Ang spoiled brat talaga ng mga mayayaman," dagdag pa ni Ma'am Ara.

Parang namemersonal na po kayo?

Binalingan ni Chano ang guro, "Let me just handle this, Ma'am."

"Uhm... Can you walk me out, Sir Chano?" mapungay ang mata nitong request kay Chano, "Nahighblood yata ako rito sa estudyante mo," inirapan pa ako.

Nilapitan siya ni Chano, parang kumirot ang puso ko sa para an ng paghawak niya sa braso nito para igiya palabas ang guro.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sa harap ko pa talaga, Chano?

Nangilid ang luha ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang mas nalungkot ako dahil sa kanilang dalawa hindi sa pamimintang nila.

"Sir Dizon, ihahatid ko lang si Ma'am Fiona. Pakitingnan muna si Miss Roque, babalik ako," tumalikod na siya para puntahan si Ma'am Ara na Fiona pala ang first name.

Nakaalis na sila ng SOA, naiwan ako sa Guidance Counselor namin.

Halong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon, dumagdag pa ang pambababae niya sa harap ko pa mismo. Naalala man lang sana niyang kasal siya sa akin. Pwede naman niyang hayaan ito, halata namang nag-aactingan lang.

Siguro nasilip niya kanina ang boobs ni Ma'am Ara, tapos kunwari ay ihahatid niya pero magkuquickie lang talaga sila.

Lalo akong nainis sa naisip, Tumayo ako para puntahan si Sir Guidance sa table nito.

Inilapag ko ang gamit ko sa harap niya, "Pwede po kayang bukas ko nalang malaman anong sanction ko? Ayan po ang cellphone at wallet ko pati ID para may hold kayo sakin. For now, let me go."

Emotions are too much to handle. I badly need an escape.

Hind ko na hinintay ang approval ni Sir Dizon kaya lumabas na ako ng opisina niya at pumara ng taxi.

Iniwan ko lahat ng cards ko, cash lang dinala ko. Kinuha ko muna pera ko sa wallet bago ko i surrender kay Sir.

Nagpahatid ako sa puntod nina Mama at Papa. Doon ko iniyak ang lahat.

Iniyakan ko ang pamimintang nila sa akin, sa pagpaaniwala nilang agad. Sa pagiging tanga nila lalo na ang flirt na si Fiona Araracap.

Higit sa lahat, iniyakan ko ang nararamdaman ko para kay Chano.

"Mama, Papa, selos po ba ang tawag dito?"

Daily Dose of Vitamin CWhere stories live. Discover now