Chapter 21

11 0 0
                                    

xxi—

Aligaga ang lahat. Mamaya na kasi ang Mr and Ms UN. Samantalang ako, eto nagmumukmok dahil wala akong message na narereceive or tawag mula sa kanya mula kagabi.

Nambabae na kaya? Nauntog? Mag iisang linggo na rin siyang wala. Dati ay okay lang sakin. Mas gusto ko pa nga, pero ngayon... Now that our feelings are recognized, it's different.

Initabi ko ang cellphone para hindi ako madistract. Medyo puyat kami dahil kagabi ay natagalan kami sa dress rehearsal. Pola needs to alter the dress since medyo sumikip sa akin.

Panay kasi ang kain ko lately, paano ba naman ay panay ang padeliver niya ng pagkain. All are my favorites. Hindi kasi ako pumayag sa gusto nilang magstay si Nana Lucing kaya he sorted out to food deliveries, mostly are healthy food pack. Nagrereklamo na nga si Mika dahil malapit na raw siyang maging kambing.

"Sakto na siya, girl," sabi ko nang maifit na ang damit.

"Loka! Dapat pala sinabihan kitang huwag kumain ng kumain, pero okay lang. Konting adjustments lang naman," sabi ni Pola habang minemake upan na ako. She did my hair in a low bun dahil may susuotin akong head dress na gold plated. Hindi naman siya mabigat nang tinry ko.

Napa-wow talaga ako sa design ni Pola nang una kong makita iyon. Dark red pero lighter sa bandang flaps. May burda rin iyon na halong yellow at gold. Iyong kulotes naman ay metallic yellow.

Hubog na hubog talaga ang katawan ko rito. Naasiwa pa nga ako sa hinaharap ko dahil hindi ako masyadong nagsusuot ng fitted na damit.

"Ate Sierra! Ang ganda mo!" Therese exclaims while her palms are beneath her mouth. She visited me backstage to assure if I'm okay.

Hindi ako okay, Therese. Hindi pa ako chinachat ni Chano.

"Salamat, Therese."

Sunod na dumating sina Mika at boyfriend nitong si Mico.

"Hoy! Laki ng dyoga mo, girl! Sabi mong wala?" Mika touched it, naasiwa ako roon. Gago talaga ang isang to.

Hindi naman sobrang laki, iyong tama lang na masabing may boobs.

"Dede ko talaga ang pinansin mo? Hindi ang ayos ko?"

Natawa ito. "Wala e, kapansin pansin lalo na fit na fit damit mo. Bwiset, girl!  Ganda ng katawan mo."

Parang namamanyakan na ko sa isang 'to.

Bumilis ang pagtahip ng puso ko nang  inanunsiyong susunod na kami. Pola put on my head dress, gold accessories pati ang pamaypay. Aayusin ko talaga, kahit ito nalang maiambag ko.

"Galingan mo," sabi ng dalawa.

Pola hugged me, "I-enjoy mo lang girl."

Nang lumabas kami sa stage ay nagsigawan na sila. I did not expect a hug crowd. The gymasium is crammed with students and staffs.

22 lahat kaming naglaban laban, 11 for girls and 11 for boys, too. In all fairness, ang gaganda ng mga damit na dinesenyo.

Isa isa nang rumampa, mabuti nalang talaga hindi na kailangan magsalita. I ready myself as I am the next one after Belgium.

"Candidate number 5—wearing Mr. Apollo Young, Sierra Orales Roque from the College of Computing Studies!" Mas malakas na sigawan ang narinig ko, unlike to the previous ones called.

Seryosong mukha ang iginawad ko sa mga nanonood. Diretso ang tingin ko sa noo ng nakagitnang judge. Nang makarating sa gilid ay isinama ko na ang pamaypay sa projection.

Pota. Nakakakaba pala talaga to pero chill lang tayo kahit na di pa siya tumawag :(

Natapos iyong rampa ko ay agad akong sinalubong ni Pola sa backstage, maluhaluhang niyakap ako.

Daily Dose of Vitamin CWhere stories live. Discover now