Chapter 10

17 0 0
                                    

x—

Nakituloy muna ako sa bagong dorm ni Mika.

"Gago ka kasi, bakit di mo pinagtanggol sarili mo?" untag sa akin ng kaibigan habang kumakain kami ng dinner.

"Mas gago ka eh di mo naman ako pinagtanggol,"

"Paano kita ipagtatanggol eh di ko pa naman noon alam nangyari. Nung pinuntahan kita sa SAO nakaalis kana. Kaimbyerna, hanap ako ng hanap sayo," inirapan ako ng aking kaibigan. What I like about Mika is that she's so true. Kung kasalanan mo ay kasalanan mo kahit na kaibigan ka pa niya.

"Aw... Sweet," kinurot ko ang pisngi niya pero tinampal niya ang kamay ko.

"Humanda 'yang Samantha na' yan sakin bukas,"

"Yaan mo na, lahat naman ng dinaanan ng papel, mapaparusahan pa din."

It came like a trigger to her, "Girl! Masi-zero lang sila sa quiz! Yun na yon! Ikaw, tatlong araw pa na pagkakasuspende. Makatao ba yun?"

Humalakhak ako, "Chill, at least May pahinga akong 3 days from school."

Binaba niya ang kanyang kinakain at tiningnan ako, "Wow, Madam parang pagod na pagod ka sa pag aaral ah? Nakakapagod ba tulugan ang klase?"

Sinamaan ko siya ng tingin at saka binato sa kanya ang tissue.

Nagpunta ako sa sala at nanuod ng TV.   I wonder what he does now.

Nailing ako sa sarili, why do I care? Pinahiya na nga ako, eh.

Naiwan ako sa dorm ni Mika kinabukasang pumasok siya sa school dahil natuloy ang pagkakasuspende ko.

Bahala na kung di ako makagraduate. Sanay naman akong puro extended ang waiting ko sa graduation. Sa sobrang bored ko dito sa dorm ni Mika ay namasyal nalang ako kung saan saan.

In the end sumama ako kay Jake sa Speedway may event daw, pinapanuod siyang mangarera. Naroon ako sa bleachers habang hinihintay si Jake matapos.

Nagchicheer lang ako dito pero hindi ko naman talaga alam nasaan at ano ang kotse niya. Parang tanga akong sigaw ng sigaw.

"Go Jake!" I shout at the top of my lungs.

"Huy!"

"Ay haliparo—Jake? Bat nandito ka? Pinagchicheer kita don!" Nagulat ako dahil nandito na siya. Sino yung pinagchicheer ko?

"Kanina pa kami tapos, saka doon kami sa motocross, hindi diyan. Kaya pala hanap ako ng hanap sayo. "

Nagtawanan kami, sigaw ako ng sigaw sa wala. Tinuloy nalang namin ang panunuod hanggang sa matapos iyong auto race.

Nag aya na si Jake na umalis pero tumanggi ako, ayoko pa umalis dahil mainit pa. Nakamotor lang kami.

Iniwan ako saglit ni Jake para sa mga kasama niya.

Naagaw ang atensyon ko nang makita ang kumpulan ng mga babae sa ibabang bahagi ng bleachers, kung saan dumadaan ang mga galing sa track.

Mukhang may pinagkakaguluhan na racer. Pogi ba? Tumayo ako para masilip iyon.

Hutaena PONCIANO VASQUEZ racer ka pala?

Ayun ang asawa ako, makisig sa suot niyang racing suit. Kaya pala nagkakagulo ah. Vitamin C effect? I know right.

Chill lang tayo guys baka makita niya ako rito. Mas lalo niya akong mapapansin kapag tumayo ako. Hindi naman ako makaalis dahil kailangang dumaan sa banda nila para makalabas kaya kalma lang.

Sinuot ko iyong sunglass to disguise at saka ako yumuko. Halos ichant ko na ang play dead para sa sarili.

"Umuwi na tayo," sabi ni Jake at mabilis na hinawakan ang kamay ko. Laking pasasalamat kong dumating na itong si Jake kaya tumayo ako ng walang pag aalinlangan.

Jake intertwined our fingers which made me shocked. Why he will do this out of the blue?

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa gulat. Pero halos mabuwal ako nang mapagtanto kung sino.

"Chano?!"

He looks dashing in his race suit. Medyo pawis pero mabango pa rin. Sana ol.

"Let's go home, love," masuyo niyang sabi habang namumungay ang kanyang mga mata.

Daily Dose of Vitamin CWhere stories live. Discover now