ASKM 20

44.6K 944 67
                                    


Chapter 20

Extra Chapter...

LEX'S POV


Siguro nasa isang buwan ko na rin laging nakikitang malungkot ang bunso namin. Simula nung araw na nadatnan ko siya sa kwarto nyang umiiyak, lagi ng ganoon ang ikinikilos. Hindi katulad ng dati, ngayon ay lagi syang matamlay, laging nagkukulong sa kwarto at laging tahimik. Sasagot man siya minsan, ngunit kung ano lamang ang itinanong mo, iyon lang din ang sasagutin nya. Minsan ''oo at hindi'' lang ang maririnig mo sa kanya. Pati nga atmosphere sa bahay apektado, hindi na rin sila nakakapagbonding ni Babes. Minsan sinabi ko kay Babes na kausapin siya subalit saglit lang silang nag-usap pagkatapos ay wala na, lumabas din siya ng kwarto ni Badong ng sawi. Napangiti man daw niya ito ay pilit lamang. Alam na ng lahat ng mga kapatid namin, nagdesisyunan na lamang na huwag itong ipaalam kina Papa at Mama. Ewan ko ba pero, medyo tumatagilid daw kasi ang Business namin ngayon, kaya hanggat maari raw ako na muna ang bahala sa lalaking gumagao sa bunso namin.


Nag-iisa babaeng lang si Badong. Alangan namang hindi pa namin gabayan, para saan pa ang pagkamaskulado at pagkagwapo naming magkakapatid? Lintek! Marunong kaming makisama sa taong mahal ng kapatid namin pero sa oras na saktan mo siya, manghihiram ka ng muka sa pinakapangit na nilalang dito sa mundo. Tulad nalang nang ginawa namin doon sa isang gumago sa kanya, halos malumpo iyon, pagtulungan ba naman naming tatlo.


Hindi ko na matagalan na makita siya na ganoon, kaya isang araw nung inaya sya ni Charlie na lumabas sinundan ko sila ng patago. Alam kong mali na mag ispiya, pero kailangan ko silang subaybayan at isa pa hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari. Wala naman pati akong balak magpahuli sa kanila. Susundan ko lang sila para makasiguro na okay lang ang bunso namin.

Nakarating sila sa isang mall. Dapat hindi ko ginagawa ang mga bagay na ganito, sa gwapo kong 'to? Itatago ko ang pagkagandang lalaki ko? Tss! Pero hayaan na, para naman 'to kay Badong.

Makita ko lang talaga ang lalaking iyon paniguradong maghahalo ang balat sa tinalupan!

Matagal din silang naglilibot, maya-maya pa biglang tumigil si Bunso. Kitang-kita ko nanaman ang expression ng muka nya, muka nanaman syang paluha. Putangina lang talaga! Nakakabwisit, ayaw kong nakikita siyang ganoon. Kaya nga ako hindi nanloloko ng babae dahil may kapatid ako na babae. Tangna lang! Ang laki ng impact na iniwan ng lalaking iyon sa kapatid ko.

Ipinagpatuloy ko lamang ang pagsubaybasy sa kanila, hanggang sa makita kong umalis ito at sag awing Powder Room ang punta. Hindi ko na dapat pa sya susundan doon dahil halata naman na ang rason kung bakit sya gumari roon. Ngunit napansin kong tumigil sya sa may bukana, na sya namang nakapukaw sa atensyon ko. Napansin kong tulala sya at dahan-dahang lumakad. Sumilip naman ako dahil nakakapagtaka kung bakit sya tumigil ng ganoon. Ngunit paano ko ba sasabihin ito, hindi ko na kasi ikinagulat ang nakita ko. Alam kong sya lang ang nagiging dahilan ng pagkakaganito ng kapatid ko.

Nakita at narinig ko ang lahat. God Damn it! Ang kapal ng muka nya para ipamuka pa sa kapatid ko na may iba syang babae, tangina talaga! Ni hindi nya manlang pinansin ang kapatid ko, ano yun di nya kilala? Gago pala sya! Oo, may itsura ang kasama nya pero walang-wala yun sa kagandahan ng kapatid ko. Lumayo ako sa lugar na iyon. Inabangan ko sila sa harap ng Cinema Corner. Base sa pagkakarinig ko, doon sila pupunta. Pwes humanda kang gago ka! Pagkaikot na pagkaikot ko, nakita ko si Charlie. Kaya nagmadali na ako, mahirap nang mabuko. Buti na rin at nandito na sya, siya na muna ang bahala dito at ako naman ang bahala sa manlolokong iyon.

Sa tapat ng Cinema Corner, malayo palang nakikita ko na ang lalaking ito. Seryoso lang sya, sa tuwing kakapit ang babae sa braso nya inaalis nya ito at muka syang inis na inis. Ngunit kahit na, mas matimbang ang inis kong nararamdaman sa kaniya. Wala kong pakialam kung ano pa mang dahilan niya.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon