ASKM 10

58K 1.4K 77
                                    

CHAPTER 10

Heartbreak...



Mag aalas-diyes na nang umaga ngayon. Nandito ako sa harap ng bahay nina Bessy, dahl kanina pagkagising ko may text sya ang sabi pa..


" Bessy samahan mo naman ako. Hanap tayo ng magiging costume ko para sa talent portion pati narin yung iba ko pang mga gagamiting accesories. 9:00 sharp ha! Muah, hugs!" —END-


Umaatikabong bulyaw ang sinalubong niya sa akin.


" 9:00 SHARP! YAN NA BA ANG SHARP NGAYON BRU?" nanggagalaiti nyang sigaw.


" Hihi, Bru sorry naman. Hindi kasi ako nakatulog ng mabuti kagabi kaya napuyat ako. Kaya nung nagtext ka bagong gising lang ako nun, sorry na."


" Aber, ano naman yang pinagpuyatan mo ha? Anyways highways, ok lang. Atleast nandyan ka para samahan ako. Alabyow!" sabay kiss sa pisngi. Buti nalang nakalusot ako, kapag nalaman nanaman nya. Naku-nako, sigurado mas kikiligin nanaman siya kesa sa'kin.


Nakarating na kami sa Mall — dahil may Wheels si Bessy, mabilis kaming nakarating doon. Hindi kami pumasok dahil Third Day na ng Foundation Week, kaya dapat talagang nagpre-prepare na si Charlie para sa Pageant, saka ang alam ko labanan at presentation lang naman ng HRM Student ang Event ngayon. Kaya ok lang na wala kami doon.


Punta dito, punta doon. Una muna naming pinasukan ang Boutique na may pagkasosyal.  Nasa Abroad and mga magulang ni Charlie, kaya sunod siya sa layaw.


" Bru what d'you think of this?" tanong nya habang pinapakita sa'kin ang isang eleganteng damit na ngayon ay suot-suot nya. Wala naman akong masabi, nakatingin lang ako sa kanya kasi bilib naman talaga ako sa taste at fashion nitong isang 'to.  Kaya ako, nagsusuot narin ng bistida mula noong turuan nya ako.  


" Bessy alam kong maganda ako, hay nako.  Ano? Nga-nga nalang ba?" mataray nyang sabi. Ito talagang babaeng 'to, kahit kailan aba! Masaydong garapalan!


" Oo maganda ka naman talaga. Charlotte Yu ba naman ang magsuot ng ganyan. Syempre walang kupas, parehas tayong maganda!" pambobola ko sa kanya, at sa totoo lang nauto naman.


" Yan ang gusto ko sayo Bru, di ka marunong magsinungaling!"


Binili niya na ito para daw sa Formal Wear. Bumili din kami ng mga accesories at tyaka ng isang Indian Costume,  Belly Dancing kasi ang gagawin nya sa Talent Portion. Magaling usmayaw ang bestfriend ko, pero disaster pagdating sa kantahan. Hihi!


Dito narin kami nagtanghalian. Nagbonding ng kaunti at nanuod ng sine. Matapos noon ay nagpasya na kaming umiwi. Nasa labas na kami ng Mall, to be more specific parking lot.  Si Charlie ay nasa loob na habang ako naman ay pasakay palang, nang biglang may pumukaw ng atensyon ko.


Teka, parang namumukaan ko ang isang iyon. Tiningnan ko muna sya ng maigi at tama nga ang hinala ko.  Sya nga, tumingin ako kay Bessy dahil bigla syang nagsalita..

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon