ASKM 14

56.1K 1.3K 95
                                    

CHAPTER 14

Poy ♥...

Lumipas ang  mga araw at natapos rin ang Finals. Sembreak na, sobrang hirap talaga nitong nagdaan na final week, but I can say it’s worth it! Halos lahat ng exam, cover to cover pero dahil sa tulong ni Seth, naging magaan lahat para sa akin.  Siya ang naging inspiration ko kaya sa tingin ko naman ay naipasa ko lahat ng exams.

Ang dami ng nangyari, naging sikat kami ni Charlie sa Campus. Si Charlie dahil sya ang Ms. St. Lorenzo at ako dahil sa confession na ginawa ng pinakasikat na lalaki ngayon sa Campus namin. Yes, Instant Celebrity kami ngayon. Nagkakamabutihan na din si Charlie at Jigs. I didn’t know na sa School din pala namin nag-aaral si Jigs, its just that our Schedules are opposite – kaya siguro hindi namin siya nakikita.

Naalala ko pa nang gabing inihatid ako ni Seth sa bahay noong Last Day ng Foundation Week. Laking gulat namin dahil bukas ang bahay. Nang pumasok ako sa gate, akala ko ay may magnanakaw na nakapasok, iyon naman pala ay dumating na sina Kuya.  Nasa tapat palang ako ng pintuan ay nakita ko ng tumatakbo sina Ate Liz at Ate Apple papunta sa’kin.

"Badong! We really miss you na!” makabasag tengang salubong nila sa’kin.

 

" Ang dami kong pasalubong para sa’yo, Girl! Sobrang namiss talaga kita!“ dagdag pa ni Ate Apple.

 

Nalaglag talaga ang panga ko ng makita sila. Aba’t bakit hindi man lang sila nagpasabi? Samantalang si Seth walang pakialam sa amin, ni hindi man lamang ngumingiti.

 

"Oww! Look who’s with her. A cute guy, huh! “ usisa naman ni Ate Liz. Ngayon lang kasi nila napansin na may kasama ako. My God, panong hindi nila napansin ang presensya ng gwapong suplado na’to?

 

" Sorry Eli, natawag pa kita na Badong, hikhik!” sumimlpe lang si Ate Liz ng bulong sa akin para hindi marinig ng mokong kong kasama. Ngayon tuloy ay mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Badong? Ang sagwa!

 

"Ahm… mga Ate. Si, Seth.  Ano ko.. “ paano ko ba ‘to sasabihin. Baksa sabihin nila nawala lang sila ng isang lingo, kumerengkeng na ako.

 

"Boyfriend niya. “ walang pakundangan wika ni Seth ng hindi ngumingiti.

 

" Ate, ano hindi.. Ano bago..." mabilis pa sa alaskwatrong tutol ko. Halos hindi ko narin malaman kung ano bang uunahin ko, kung paalisin ko ba si Seth o papasukin muna ang mga Ate ko sa loob. Ang kaso hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na nina Ate si Seth papasok sa loob. Diyos ko, ano bang gagawin ko sa lalaking ito?!

 

Walastik na Seth, boyfriend agad? Kasasabi nya palang kanina na liligawan nya ako, tapos ngayon. Aba paspasan at ang gusto. Agad na akong sumunod sa kanila, mahirap nab aka kung ano ang gawin nina Kuya sa kaniya. Nakita ko si Seth na nakaupo sa sofa kaharap nina Kuya. 

 

Naku anong gagawin ko? Hala! Lagot na! Baka maghalo ang balat sa tinalupan kapag nagkataon!

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon