ASKM 32

35.3K 836 114
                                    


Chapter 32

Walang Title..

Stephany's POV

"Seth, I'm here at the parking lot. I can't take it anymore." Saka ko ipinadala ang mensahe ko sa kaniya.

Tingnan ko lang kung hindi pa sila maghiwalay. Matibay man siya sa intriga, p'wes ewan nalang kung makakaya niya pa. Sabi ko naman sa'yo Perez, gagawin kong miserable ang buhay mo.

Maya-maya pa ay nag-message na sa akin ang inupahan kong sumubaybay sa bruhang Perez na iyon. Sabi niya ay papalabas na raw ito at ang pagkakarinig niya sa usapan nila ng isa pa ring Bruhang si Charlie, ay mamamasyal daw ang mga ito.

Kasabay naman nang makita kong papalapit na si Seth.

"Pin, what's your message all about?" malamig niyang tugon. Kitang-kita sa muka niya na napipilitan lang siya. Ewan ko nalang kung magkabalikan pa kayo ng babaeng 'yun pagkatapos ng gagawin ko. Ilang saglit na lamang at magiging akin ka na.

Sinimulan ko ng patuluin ang mga luha ko. Nagkunwari akong sobrang nahihirapan na sa mga nangyayari.

"Seth, I can't take it anymore. Pakiramdam ko ang baba kong babae, na wala na akong pakiaalam sa sarili ko dahil puro ikaw na lang. This time I want you to kiss me. Halikan mo ko, kahit isang beses lang? Para maramdaman ko na kahit minsan, kahit pagkukunwari lang ay minahal mo rin ako," pagkukunwari ko. Buti na lamang at nanunuod ako ng mga drama. Ngayon ko lang naisip na ganito pala kakorni ang mga ginagawa nila.

Napalitan ng pagkamuhi ang reaksyon niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo Pin? Why you're acting like this? I can pretend that you are my girlfriend. But...but kissing you? Hindi ko kaya 'yun!"

Mas lalo akong humagulgol para mas kapani-paniwala. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang repleksyon nina Eli at Charlie sa side mirror ng kotseng nasa harapan ko.

"Seth, nahihirapan na 'ko! Ginawa ko 'to, para tulungan kayo pero bakit kaisa-isang hiling ko lang hindi mo pa rin maibigay. Itigil na natin 'to Seth, napapagod na akong maging kaawa-awa,"

pagmamakaawa ko sa kanya. Tumalikod ako at nagkunwaring aalis na, hanggang sa bigla niya akong higitin.

Naglapat ang aming mga labi, kumagat siya sa plano ko. Mgakalapat nga ang mga labi naming ngunit wala kang ni kakaramput na emosyong mararamdaman. Ako lang ang pilit na bumubuhay sa halik na'yun. I saw her reflection again, and this time she's crying. Mas ginawa kong tagalan pa ang halik. Hanggang sa kumalas si Seth na para bang wala sa kaniya ang nangyari. Doon na namin narinig ang pagtawag ni Eli sa kaniya.

Maski ako ay nagkunwaring nagulat sa pangyayari. Sa pagtakbo ni Eli, hindi siya nagwang habulin ni Seth dahil sa pagharang ni Charlie'ng may lahi ng pagkapakialamera. Laking gulat ko ng samapalin siya nito. Ang walang hiyang iyon, akin lang ang mukha ni Seth! Wala siyang karapatan.

Ngunit sa sumunod kong nasaksihan, bigla akong nanlumo. Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak si Seth. When he cries, my heart aches. Kasabay nito ay umunting boses sa isipan kong sinasabing, Umiiyak siya, hindi mo ba nakikita? Nasasaktan siya!

"Masaya ka na ba Pin? Masaya ka na ba ha? Nagulo mo na ang buhay ko, sinira mo na lahat! Dahil sa lintik na halik na 'yan! 'Wag na 'wag ka ng magpapakita sa'kin. Wala na akong pakialam kung ano pa ang gagawin ng Papa mo! Sinayang mo Pin, lahat ng respeto ko sa inyo. Magsama kayo ng Tatay mo. Mga makasarili!" Buong lakas niyang isinigaw sa harapan ko.

Sa loob ng ilang taon ngayon ko na lamang siyang nakitang ganoon. Buong lakas ang sigaw niya ngunit may kasama itong pagluha. Ganun ba kasakit sa kaniya ang nangyari? Hindi Pin, okay lang 'yan! Ngayon lang 'yan 'di magtatagal, kakailanganin ka niya dahil sa maghihiwalay na sila. Bulong ko sa sarili.

"Magiging akin ka na Seth, magiging akin!"

•••

Kinabukasan, tanghali na ng makarating ang magandang balita sa akin. Tagumpay, hiwalay na silang dalawa. Matapos kong mag-ayos ay kaagad akong pumunta sa School nila, saktong pagdating ko siya namang aktong pag-alis ni Seth. Hindi ko siya nilapitan, ngunit napansin ko kaagad ang tumutulong dugo sa kanan niyang kamao. Shit! Anong nangyari sa kaniya? Sinasaktan niya ang sarili niya dahil sa walang kwentang Eli na'yun!

Maya-maya pa, sumakay siya sa motor niya at pinaandar ito. Sinundan ko siya hanggang makarating sa Condo niya. Naiwan ako dito sa labas, at hindi kaagad siya sinundan sa loob. Inisip kong mabuti kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, lalo pa't alam kong kailangan niya ako ngayon. Anong oras na rin ng sumunod ako sa kaniya. Pagkabukas ng elevator ay kaagad naman akong nakatanggap ng tawag mula sa matalik kong kaibigang si Shane. Tumigil muna ako sa tapat ng Fire Exit para kausapin ito.

"Oh hello, my dear bitchy friend!" bungad niya. Ako pa ang bitchy, eh ano pa kaya siya? Super Bitch?

"Bitchy huh? What's up?"

"I just missed you. By the way, how's the plan?" Yes, she knew. At dahil sa pagkabitch nitong si Shane, siya ang nag-suggest sa'kin ng mga ginawa ko. 'Yung mga pagpapahirap ko sa kanila, mga pag-uupa ng tao para sumubaybay at magkunwaring bodyguard ni Dad, at ang kiss plan.

"Oh that, y'know what Sis? Success ang plano, kitang-kita ng bruhang Perez na'yun lahat-lahat. Tyempong-tyempo pa nang hinalikan ako ni Babes and the good news is.. Break na sila! Haha!" Pagmamalaki ko kay Shane, hanggang may biglang humamblot ng phone ko. Pagtingin ko, si Seth.

Gulat na gulat ako ng makita ang nanlilisik niyang mata, hindi ko man lamang napansing nasa likuran ko siya. Paanong? Punong-puno ng galit ang awra niya at ang phone ko, nasisira na sa sobrang higpit ng hawak niya. Maya-maya pa inihagis niya ito sa pader at tuluyang nawasak. Mariin niya kong itinulak sa pinto ng Fire Exit. Sobrang sakit ng pagkakatulak niya, ramdam na ramdam ko sa likuran ko ang kirot. Napaluha ako sa sobrang takot at sakit na nararamdaman ko. Narinig niya lahat. Narinig niya!

"Anak ng tangina, Pin! Bakit mo 'to ginawa? Hindi ka na nasiyhan sa pagsira ng buhay ko? Bakit mo kami ginawang laruan!" sigaw niya sa'kin. Napapikit ako sa biglaan niyang pagtaas ng kamao.

Boogsh, boogsh, booogsh!

Magkailan niyang beses sinuntok ang pinto sa likuran ko. Malapit na malapit sa akin ang bawat bira niya, buong akala ko ay sa'kin ito tatama. Halos mawasak ang pintong iyon sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya.

"Bakit Pin? Bakit?" mahina niyang sabi habang umiiyak. "Bakit?!" Nanlisik ang mga mata niya. "Tangina! Ikaw ang sumira ng buhay ko, pati babaeng mahal ko nawala sa'kin ng dahil sa kagaguhang laro mo! Napakagago ko dahil naniwa ako sa gaya mo! Tangina, Pin!" At muli isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Muli, nakita kong dumudugo ang kaniyang kamao.

Naiwan akong tulala, habang siya ay mabilis na umalis sa harapan ko. Sumakay siya sa elevator. Pabagak akong napaupo sa sahig habang sinasabi ang katagang..

"Sorry, Se...Seth, sorry. Mahal kita"

•••

prettylittlemiss♥

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon