Phase 1

6.4K 138 31
                                    

Amelia Fern's Pov

'Luh bakit sya hawak ni Ser??"

'Tingnan mo, parehong may stain ang damit nila??"

"Oo nga no.. Baka natapunan ni Ser si Girl ng kung ano man yan"

"Hindi... Mukhang galit ang mukha ni Ser baka si Ate Girl ang nakatapon"

Yan ang mga narinig ko habang naglalakad. Nakamagot ako habang hinihila ni Ser.

"Bakit ba??" Inis kong tawag sa kanya at Kinuha ang aking kamay.

"Bakit mo ako tinapunan ng milktea??"

"Wait, ako nakatapon??! Hindi ako ang nakatapon ha!! Fyi, nasa gilid lang ako ng dinagil mo ako kaya natapon ang milktea ko"

Totoo naman eh!! Ako pa ang sisihin!! Like duh.. Sya kaya tong akala mo ay katapusan na ng mundo kung maglakad.

"Eh, sino ba ang may hawak ng milktea na natapon?? Diba Ikaw?"

Parang nanlaki ang mga mata ko. Iniinis talaga ako ng lalaking to!!

"Eh sino nga ang nakadagil na naging reason kung bakit tayo parehong natapunan ng MilkTea"

Aayaw pang umamin eh obvious na sya naman!!

"Just shut up" Mariing sabi nya saka ulit ako hinila. Ang bilis nya maglakad porket mahahaba ang paa.

From aback, makikita mo na matangkad sya. I think nasa 6'2 ang height nya ako naman ay 5'6 lang. So mas matangkad parin sya sa akin.

Kinabahan ako ng mapagtanto kung saan patungo ang daang pinabagtas namin. Patungo kami sa Block C. Ang building kung saan ako nagaaral.

Iwinasiwas ko ang kamay ko para makawala sa hawak nya.

"Bakit tayo pupunta dyann??!"

Hindi sya lumingon. Pero, nanatili syang nakatayo at nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Pwede ba manahimik ka na lang?!" Singhal nya sa akin pero kami lang ang nanarinig.

Inungusan ko sya at mas nauna sa paglalakad. Bahala sya sa buhay nya. Di ko naman sya kilala. Basta basta na lang sya nanghijila ng tao.

I kept my head low. Nakakahiya kaya. Tapos, madumi pa ang damit ko. Papasok na dapat ako sa building nang may humila sa kamay ko.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagpulupot ng mga matitikas na kamay sa bewang ko.

"San ka pupunta??" Bulong nya sa akin. Kaboses ni Ser. Napalunok ako.

"Sa klase ko" Mabuti na lang hindi ako nauutal. I saw his face. His jaw is perfect. Matangos din ang kanyang ilong. He has this thick eyebrows that made hin look more attractive. Pati narin ang kanyang manipis at mamula-mulang labi.

"Stop staring I'll melt" Sabi nya sa akin na nakapagpagising sa akin. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

"I'm not staring I'm just looking"

Hindi na talaga ako makatingin sa kanya ng deretso. He chuckled deeply. Inalalayan nya ako para maayos ang aking pagkakatayo.

"Where is your classroom??" Tanong nya.

"Sa 3rd floor"

"Which one??" Tanong ulit nya.

"The one on the left side"

Mahina kong sagot. I felt his large callous hands collide with mine. Napatingin ako sa kanya. He has this poker face on.

The Billionaire's MistakeWhere stories live. Discover now