Phase 29

2K 48 2
                                    

Amelia Fern's Pov
1 month later

Umagang-umaga palang napatalon ako sa kama dahil sa aking pakiramdam na pagsuka.

Mahigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo. Wala naman nalabas sa bibig ko puro tubig lang.

Pagkatapos ng limang minuto ay natapos na din ako. Nagmumog ako at nah tooth brush.

Humiga ulit ako sa kama. Saka ko lang napansin na madilim pa pala ang langit. Napatingin ako sa orasan. Alas singko palang ng umaga.

Ano ba yan??

Tatlong araw na akong ganto. Hindi ko na alam kung ano bang meron sa akin.

Bumaba ako. Nagderetso ako sa kusina. Pakiramdam ko nagugutom ako. Binuksan ko ang ref. Nakita ko doon ang binagoongan na ulam namin kahapon.

Ewan ko pero naglaway ako. Kinuha ko ito at pinainit. Pagkatapos ay umakyat agad ako sa kwarto ko.

Nakakapagtaka...

Kahapon nang makita ko to ayaw na ayaw ko. Nasuka panga ako. Pero, ngayon naman ay pinaglalawayan ko na.

Napahawak ako sa tiyan ko.

Hindi kaya??

Binitawan ko ang aking kinakain. Hinagilap ko ang aking cellphone at tiningnan ang kalendaryo. Malapit na ang due ko ng mens. Siguro normal lang to.

Lagi naman akong may sakit kapag malapit na ang regla ko.

Inubos ko ang aking kinain. Inilagay ko ito sa lababo sa baba. Uminom nadin ako ng tubig. Mga 10 minuto akong naglalakad ng dahan dahan. Para bumaba ang pagkain.

Nang matapos iyon ay nahiga na ako. Humikab ako. Inaantok na talaga ako.

GoodMorNight...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Medyo mataas na ang araw kaya naman napatingin ako sa orasan.

10 am na pala.

Tatayo na sana ako ng bigla akong mahilo. Napahawak ako sa ulo ko.

Ano ba ang nangyayari sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nawala na din ang pagkahilo ko kaya nagayos na ako.

Pagkalabas ko ng banyo nagbihis kaagad ako at tiningnan ang aking cellphone. Nakakapagtaka kasi wala man lang kahit isang chat sa akinh si Rhett. Triny ko ayang tawagan at wala namang nasagot.

Siguro busy lang sya.

Binalewala ko iyon at bumaba na.

..

Pagdating ko sa baba. Halos lahat ng mga kasambahay ay naglilinis din. Dumeretso ako sa kusina. Wala namang naglilinis doon. Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang mga tao.

Kumuha ako ng tinapay at ng liverspread. Ang favorite ko talaga ay nuttela pero ngayon parang gusto ko itong itry.

Habang payapa akong nakain ay biglang dumating si Kuya Rhys.

"Hi Kuya" Bati ko sa kanya.

"Naubos mo lahat yan??" Tanong sa akin ni Kuya. Tumango ako habang kumakagat sa aking tinapay.

"Eh, isang balot yan ng tasty naubos mo"

Napatingin ako sa pinagkuhanan ko ng tasty. Nandon pa ang kalahati na dapat ay kukunin ko. Hala!!

"Oo naman kuya gutom talaga ako" sabi ko na lang.

"Baka naman-"

"Hindi kuya ganto talaga ako kapag malapit na ang red day ko" putol ko sa kanya.

The Billionaire's MistakeWhere stories live. Discover now