CHAPTER 34

367 25 1
                                    

34

"Careful." Mahinang paalala ni Treyton habang inaalalayan nito si Atarah sa pagtayo.

Ngayon na kasi ito lalabas ng hospital. At matapos nga ng ilang kaunting payo mula sa kanyang doctor, tuluyan ng umalis ang mga ito.

Lulan sila ngayon ng kotse ni Treyton papauwi sa bahay nila. Ang mga magulang naman ni Atarah ay nasa kabilang kotse at kasama nila ang bata. Sa buong duration ng byahe ay tahimik lamang ang mga ito.

Hanggang sa makarating sila roon, inalalayan siyang muli ni Treyton. Nagpadiretso na lang ito sa kanyang kwarto at nahiga roon. Sa loob no'n ay naroon ang kanyang magulang kasama ang bata. They were asking her about how she feels. Okay naman na ito. Kailangan niya lang ng kaunting pahinga pa.

Bumangon lang ito nang pumasok ang isa nilang kasambahay bitbit ang isang tray ng pagkain. What she didn't expect is when Treyton volunteered to feed her. Hindi naman na ito tumanggi pa dahil sa totoo lang ay natutuwa ito sa ginagawa ng lalaki para sa kanya.

She can actually eat on her own now but she really appreciates what Treyton is doing for her. She can feel that he's doing his best for them to be okay at umaasa nga itong sana ay magiging okay na talaga sila.

"Treyton, let's talk." Nabaling naman ang tingin nilang lahat nang may tumawag sa lalaki.

And Atarah stared for the person who called him... it was her father. Tsaka nalipat ang tingin nito sa lalaki at nagsimulang gumapang ang kaba sa  dibdib nito but when Treyton gave her a small smile, kahit papaano'y medyo nakampante ang pakiramdam nito.

"They are not going to fight, right Mom?" Tanong nito sa kanyang mom.

Halos kalahating oras na kasi ang lumipas simula nung lumabas ang mga ito and the two weren't back yet. Tuloy ay kung anu-ano na ang naiisip nito.

"Trust them and believe me, everything will be okay honey." Nakangiti lamang na tugon ng ginang sa kanya. Sana nga, sa isip nito.

"Support your baby's head. He already fell asleep." Pag-iiba ng ginang ng topic. Nalipat tuloy ang atensyon ni Atarah sa kanyang anak.

Sa kalalaro kasi nito kanina'y nagutom ito so she breastfeed him at dala na rin siguro ng pagod kaya nakatulog ito habang dumedede siya.

"I'll be out." Paalam ng mom niya. She just gave her mom a smile bago ito lumabas.

Nang maiwan sila'y inayos na lamang ni Atarah ang pagkakabuhat sa kanyang anak. Tutal ay nakatulog na ito, she laid him down on her bed at nahiga na rin ito sa tabi ng bata hanggang sa pati siya ay dinalaw na rin ng antok.

Feeling like someone is watching her, Atarah slowly opened her eyes at hindi nga ito nagkakamali.

"You're awake."

"Kanina ka pa rito?" Mapupungay ang mga matang tanong nito sa lalaki.

She even rubbed it slightly. Tumango naman si Treyton sa kanya. Nang subukan nitong bumangon, agad siyang pinigilan nito.

"You can continue sleeping Atarah. I'll just stay here." Mula sa magkalapat nitong labi, unti-unti itong napalitan ng ngiti saka siya unti-unting nahiga.

Inayos niya rin ang kamay ni Thyron Jae na nasa tabi niya upang hindi niya iyon madaganan. Kahit na bahagya itong nakatagilid sa lalaki, she can really feel him staring at her.

As Atarah closes her eyes, hindi nito alam kung bakit pero hindi na nawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi. She really feels more at ease when Treyton's around and the comfortability she feels is different when she's with him.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now