CHAPTER 30

335 26 0
                                    

30

Tuluyang napaupo si Atarah sa sahig habang patuloy ang paghagulgol nito sa mga bisig ni Neon, nakatingin sa pintuan, sinasambit ang pangalan ni Treyton at nagmamakaawang sana ay ibalik na nito sa kanya ang kanyang anak.

"Atarah, let's go home—"

"No, I want my s-son back. Please, I only w-want my son." Patuloy ang pag-iyak nito. Neon cupped her face and wipe her tears using his both thumb. Pinilit din nitong salubungin ang mga mata nito.

"I know, I know." Pagpapaintindi nito, sunud-sunod ang kanyang pagtango. "But we have to go now, for the mean time. Alam kong madadaan ang lahat ng 'to sa maayos na paraan, sa maayos na usapan. Pero sa kundisyon niyong dalawa ngayon, it will worsen the situation." Muli nitong pinunasan ang ilang bakas ng luha na naiwan sa mukha ni Atarah at marahan niya itong itinayo.

"You understand me, right Atarah? Mag-usap kayo kapag pareho ng maayos ang kundisyon niyo. Alright baby?" Kalmado nitong tanong.

Nang maitayo niya ito ng diretso, he held her carefully at sinabihan nitong babalik na lang sila bukas,  umaasang sa paraang iyon ay mas magiging maayos ang pag-uusap nila.

Malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ni Mandy nang makita niya sina Atarah at Neon na kapapasok lamang sa elevator. She overheard what happened but only half of the scene and she can't understand them kung bakit kailangan pang umabot sa demandahan kung pwede namang idaan ang lahat sa maayos na usapan.

She once heave a deep sigh and walked on the hallway, then she went inside Treyton's condo. Wala siyang naabutan na kahit isa sa sala kaya nagtungo ito sa taas dahil alam niyang naroon ang mga 'yon.

And she's right. They were inside the third room, watching baby Thyron sleeping. Dahan-dahan namang inalis ni Cosette iyong hawak-hawak ng bata na laruan.

"Treyton," tawag nito sa kaibigan. "Let's talk." She added when Treyton faced her. Napatingin din si Cosette sa kanila.

She cocked her head to the side, signaling him to go after her, then went her way out to that room. Ramdam naman nito ang pagsunod ng lalaki sa kanya. Nang makalayo sila sa kwartong iyon, tsaka niya ito hinarap at tinignan.

"I overheard what happened." Panimula nito, seryoso ang kanyang titig at tingin.

Bumaba ito kanina dahil may binili siya sa kalapit na store at hindi niya inaakalang ganoon ang maabutan niya.

"Kailangan niyo pa ba talagang magdemandahan?" Walang paligoy-ligoy na tanong nito sa kaibigan.

"I think that's the best—"

"You think that's the best thing to do?" Pagtutuloy nito sa sana ay sasabihin ng lalaki. "Well, you're not! You're just making things complicated!" Mandy reprimanded.

"Everything's already complicated." Pagtatama nito. Now getting angry, napapikit ito ng mata. "Mandy, we're talking about my son here. If that's the only way so I could be with him, it doesn't matter. Sa tingin mo hahayaan ko lang na ilayo nila sa akin ang bata?"

"Treyton, hindi naman nila inilalayo sa'yo yung bata—"

"You think so?" Putol nito sa kanya kasabay ng peke niyang pagtawa. "She already lied! Sa tingin mo, hindi niya kayang gawin sa akin 'yon?" Napuno na ng hinanakit ang boses nito.

He can't wait for them to make a move. Hihintayin pa ba niya ang araw na 'yon? That's why he's doing this if it's needed. Hindi siya makapapayag na ilayo nila sa kanya ang bata.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now