CHAPTER 20

330 28 15
                                    

20

Ilang araw na ang lumipas simula noong mangyari ang gabing 'yon. Oo na! Yung gabing hinalikan ako ni Treyton! Nakakainis. Kahit anong gawin ko'y hindi no'n nilulubayan ang pag-iisip ko. Ani Atarah sa kanyang sarili. Katunaya'y kung anu-anong mga ideya na ang namumuo sa isipan nito hanggang ngayon.

Si Treyton naman kasi e!

Napangalumbaba na lang ito sa kanyang pwesto. Halos magulat pa ito nang tawagin siya bigla ng kanilang kasambahay mula sa kanyang likuran para mananghalian.

"Manang naman!" Tsaka nito mahinang pinukpok ang kanyang ulo.

"Naku! Sumasakit ba ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong ng ginang dito.

"Opo." Napapikit siya. Ginugulo kasi ng baklang 'yon ang isip ko. "Ay, hindi po! I mean, okay lang po ako." Tanggi rin nito agad nang makita ang biglang pag-aalala sa mukha ng kasambahay.

Noon lamang ito nakabawi sa kanyang sinabi. She didn't realized what she said. Ang baklang 'yon kasi. Aish.

Sumunod ito sa ginang papunta sa may hapagkainan at sabay-sabay nga silang kumain. It's a good thing dahil kasama nito ang parents niya ngayon.

Around 1:00 PM when Thea and Dianne visited her in their house. Napapadalas sila sa pagdalaw, ha? She thought to herself. But she's happy dahil kasama niya itong dalawa. Unfortunately, Gia isn't home yet. Wala pang update kung kailan siya uuwi though nakakausap naman nila ito online.

"Baby, lumabas ka na dali!" Wala sa sariling tinampal ni Atarah ang kamay ni Thea matapos nitong haplus-haplusin ang umbok ng kanyang tyan.

"Seven months pa lang ang tyan ko. Bwisit ka," saad nito sa kaibigan. Natawa na lang si Dianne sa gilid nila.

"Oy, si Treyton!" Naunang maramdaman ni Atarah ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso bago nito hinanap sa paligid ang lalaki.

"Nasaan?" At luminga-linga pa ito. Nang walang makita, salubong na ang kilay na hinarap nito ang dalawang kaibigan na noo'y pinipigilan na ang kanilang pagtawa.

"Oyyyy! Hinahanap!" Atarah end up rolling her eyes when they started teasing her.

"Not funny." She replied, rolling her eyes again.

Ganitong hindi pa nga ito nakakamove-on sa paghalik sa kanya ng lalaki e. On the other hand, she mentally scolded herself. Why am I looking for him anyway?

Kasi naman. No'ng time na magkakasama sila sa mall noon, Thea told her that Treyton came. Hindi siya naniwala no'n until Treyton suddenly sat beside her. Malay ba niyang totoo iyong sinabi ni Thea ngayon na narito nga si Treyton diba? At bakit nga kasi umasa siya?

At some point, Atarah wanted to share that kiss thingy to her friends but she stopped herself. Knowing them, alam niyang aasarin lang siya ng mga ito. But gosh! She really can't forget that kiss. Aish!

As soon as her friends went home, kaagad itong humiga. Perks of being a pregnant.

Morning came, that was Saturday, Atarah seemed shocked when she saw Treyton on the side of her bed. She's not assuming things but she concluded that Treyton was watching her the whole time she's asleep. Or wasn't he?

"Why are you here?" Atarah's curious for his sudden presence but she cannot deny the fact that she's happy because he's here. Treyton immediately assisted her on getting up.

As days go by, ang dami na rin niyang nararamdamang pagbabago sa kanyang katawan. Good thing, she was taken care of by the people around her.

Noong araw na iyon, hindi mapaglagyan ang tuwa sa puso ni Atarah nang makita niya ang mga gamit na dumating sa bahay nila. It's all for her baby. Complete set of cribs, toys, playpens, bassinets, mattress, baby nest and such. At iyong isang guest room beside her room ang ginawa nila bilang nursery room ng kanilang magiging baby.

When Heart DecidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon