"Chapter 3"

233 16 10
                                    

VINCE's POV


"Hoooo! Ang init naman! Lalo tuloy akong nagiging hot! phewwwww!" pang - asar ko kay Wilson na naging dahilan para tingnan niya ako with kiling intent..

 "Tumihimik ka nga jan! Ang ingay - ingay mo! Panira ka sa moment namin ni chikibabe!" sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin ng masama at nakahawak ng mahigpit sa waist ni Blaire.

 Tumawa na lang din si Blaire at kinampihan si Wilson. "Oo nga Vince sinisira mo moment namin ni chikibabe." sabi niya habang nakapouty lips at agad na tumingin sa mga mata ni Wilson na kanina pa nakatutok sa kanya.

 "Kanina pa kasi kayo sweet na sweet diyan! Pansinin niyo naman ang gwapong nilalang na to." Kinindatan ko silang dalawa at kinuha ang regalo ko para kay Blaire.

 "Oh ito regalo ko para sa pinakamagandang celebrant." Lumapit ako ng konti kay Blaire at bumulong sa tainga niya. "Happy birthday Blaire! Ingatan mo yang regalo ko ah? Mahal yan!" Humiwalay si Blaire sa mahigit dalawampung minuto na yakapan nila ni Wilson para abutin ang regalo ko sa kanya.

"Wag ka ngang lumapit sa chikibabe ko! Akin lang siya!" sigaw ni Wilson habang kinukuha ang atensyon ni Blaire. 

 Oh diba napakaadik nila sa isa't - isa? Akalain niyo di sila napagod na magyakapan ng ganyan katagal. Kahit nga siguro langgam eh hindi makakadaan sa kanila. Palage kasi silang magkadikit tulad niyan. Para nga silang pinagdikit ng glue na hindi mo mapaghiwalay. At saka itong si Wilson masyadong possessive nakakainis! Simula nung naging sila, hindi na ako nakakalapit sa bestfriend ko.  -_-

 "Wow! Ang ganda naman ng gift wrapper! Pwedeng-pwede ko pang irecycle! Thanks a lot Vince." sabi niya habang tuwang - tuwa na halos abot tainga na ang kanyang ngiti.

 "Hay naku Blaire! Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Mas gusto mo pa rin yung gift wrapper kaysa dun sa regalo ko." Sana pala gift wrapper na lang ang niregalo ko sa kanya -_-

 "Wag mo ngang pangunahan ang chikibabe ko! Pano mo naman nasabi na mas gusto niya yung gift wrapper kaysa dun sa regalo mo eh hindi mo pa nga nakita ang reaksyon niya dun sa laman niyan!" pagtatanggol ni Wilson.

 Hay naku! Ito talagang si Wilson!  Possessive na nga, masyado pang protective!

 "Oo na oo na! Sorry na! Dapat nga hindi na ako magsorry kasi wala yan sa vocabulary ng mga gwapo at hot na tulad ko." pagyayabang ko sa kanila habang nakataas ang dalawang kilay ko at nagpapapogi sa mga babaeng dumadaan.

 "Haha good!" sabi niya sa akin habang nakasmirk. "Sige na chikibabe buksan mo na ang regalo ng mahangin na lalakeng yan."

 Ha? Ano daw? Ako mahangin? Hindi kaya! Totoo naman lahat ng sinasabi ko. Gwapo naman talaga ako at hot. 

 "Napakaharsh mo naman chikibabe! Bestfriend ko pa rin yan nuh!" Pinalo niya ng mahina sa braso si Wilson.

Tama yan bestfriend! Ipagtanggol mo ako diyan sa asungot mong boyfriend.

Can I Steal You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon