"Chapter 5"

158 11 14
                                    

( Nga pala, nanjan sa right side niyo si Vince! hahaha LOL I mean sa GILID PO NG SCREEN NIYO :D )

VINCE's POV

Pagkatapos ng klase namin sa Trigonometry ay dumiretso ako agad sa canteen para mag-recess. Gutom na eh.

"Ate isang order nga po nung chocolate cake," sabay naming sabi nung katabi kong babae na agad kong nilingon.

Uy si half German pala to eh. Tamang-tama lang wala akong kasama ngayon kasi absent yung mga pasaway kong kaibigan.

"Hi Miss beautiful, ikaw pala yan," sabi ko sa kanya wih my killer smile.

"H-Hello V-Vince!" sabi niya habang halatang-halata sa mukha niya na kinakabahan niya. Hahay mga babae talaga. Kinakabahan kaagad pag nakikita yung crush nila lalo na pag hindi nila ito inaasahang makita.

"Ano nga pala yung pangalan mo? Ang tanga tanga ko nakalimutan kong itanong kanina. Tsk! Buti na lang pinagtagpo tayo ulit ng tadhana"

Hindi siya sumagot. Nakabuka lang yung bibig niya habang nakatingin sa akin. Malamang hindi alam kung ano ang sasabihin. Girls talaga easy to read.

"J-Jane," sabi niya after a few minutes of silence.

"Nice name"

"H-hindi naman. Masyado ngang common at maiksi," sabi niya habang nakatingin sa ibaba at halatang pinipigilan niyang ngumiti dahil sa sobrang kilig.

Kinuha ko yung inorder naming chocolate cake. Napansin ko kasi naka-ready na siya. Libre ko na lang to sa kanya. Twenty pesos lang naman eh at saka medyo nakokonsensya na ako sa pambobola ko sa kanya. Mukha kasi siyang mabait at inosente. Wala nga siyang idea na binibola ko lang siya.

Inabot ko na yung forty pesos dun sa cashier habang siya naman ay nakatingin parin sa baba. Kinikilig pa rin ba siya?

"Oh eto cake mo," sabi ko sabay abot sa kanya. Siyempre with my killer smile.

"T-Thank you!"

Nung malapit na kami sa table namin, bigla na lang siyang hindi mapakali. Anong problema niya? 

Pagdating namin sa table, nilgay niya agad dun yung cake niya pero di siya umupo. Yung para bang nagdadalawang isip siyang umupo.

"Okay ka lang? May hinahanap ka ba?" sabi ko sa kanya sabay upo.

"Umm yung ano kasi . . . umm nakalimutan kong bayaran tong cake. Okay lang ba kung iwan muna kita?"

Ah! Yun lang pala. Akala ko naman kung ano. Nagdadalawang isip siya na bumalik doon para bayaran yung cake kasi baka ma-offend ako na bigla na lang siyang aalis.

"Wag kang mag-alala. Binayaran ko na. Libre ko na yan sayo," sabay ngiti ko sa kanya.

"Naku! Wag na. Nakakahiya naman," sabi niya habang kinukuha niya yung wallet niya sa bag niya.

Hinawakan ko yung kamay niya. "Sige na, tanggapin mo na. Masamang tanggihan ang blessings"

Biglang nanginig yung kamay niya at halatang di siya mapakali. Oo nga pala, may gusto sa akin ang babaeng ito. 

"Sorry" Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya. "Pero seryoso, tanggapin mo na. Minsan lang ako manlibre" sabay kindat ko sa kanya.

Bigla siyang parang natulala. Nakabuka lang yung bibig niya na para bang hindi niya masabi yung sasabihin niya.

"O-Okay. Thank you," sabi niya with an angelic smile.

JANE's POV

"Sorry" Tinanggal niya yung kamay niyang nakapatong sa kamay ko. "Pero seryoso, tanggapin mo na. Minsan lang ako manlibre" sabay kindat niya sa akin.

OMG Lord! Kanina pa po ako kinikilig. Feel ko po sasabog na ako. Hindi ko na mapigilang ngumiti. Please Lord help me control myself more.

"O-Okay. Thank you," sabi ko with ewan ko anong klaseng smile basta ang alam ko lang hindi ko dapat ipahalatang mamamatay na ako sa kilig.

"Sure" 

Matapos naming kainin yung cake ay niyaya niya akong ilakad hanggang sa classroom namin. Siyempre, pumayag ako kaagad. Chance ko na to from heaven. Bakit ko pa palalampasin?

Nga pla, change of plans. Hindi na ako mag-coconfess sa kanya. Nabasa ko kasi kagabi somewhere in facebook na nakakababa daw ng dignity sa mga babae ang pag-confess. Gawain daw kasi yan ng mga lalake. Ang dapat lang daw gawain ng mga babae ay maghintay for the right one. Dahil dito, narealize ko na hindi nga tama yun. At saka isa pa, kung siya talaga yung para sa akin o naka-tadhana sa akin eh talagang magiging kami.

So ang new plan ko ngayon is . . . wala. Haha! Hihintayin ko na lang na dumating yung miracle na mahuhulog yung loob niya sa akin. Kung sakali namang walang miracle na ganun para sa akin, okay na rin at least magkaibigan na kami ngayon. Mas okay naman yung friendzone kaysa walangzone diba? At saka isa pa, friendship stays forever unlike pag naging kayo then nag-break kayo para na kayong hindi magkakilala. You know yung tinatawag nilang "strangers with some memories".

"Uy! Okay ka lang? Ang lalim ng iniisip mo ah," biglang sabi ni Vince kasabay ng bigla niyang pagpunta sa harap ko.

"Ha? Ah . . . Oo, okay lang ako"

"Okay sabi mo eh. Saan nga yung classroom nyo? Sorry masyado talagang makakalimutin tong gwapong to eh. Tsk!" sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo.

"Ano ka ba? Okay lang no." Pinalo ko ng mahina yung braso niya. "Umm. Thank you ha?"

"Ha? Saan?"

"Dun sa cake kanina at sa . . ." Ay pakiramdam ko napaka-feeler ko pag sinabi kong ihahatid niya ako. Ewan ko ba sa sarili ko di ko maintindihan. Eh totoo naman talagang ihahatid niya ako hanggang classroom. -_-

"Sa paghatid sayo," dugtong niya. "Ikaw talaga. No problem," sabay kindat niya sa akin.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

ABANGAN niyo ang next chapter hahaha!  :D

Parang teleserye lang ang peg XDD!

 

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE LALO NA KUNG NAKARAMDAM KAYO NG KAHIT KONTING KILIG SA CHAPTER NA TO!

 

 

Promote ko lang po yung story ng pinakamatalik kong kaibigan dito sa wattpad! 

 

"SOMEONE LIKE YOU"

by Imthunder

 

Basahin niyo ang story niya ah? Please support her too. Thanks! :D

--> BluePurp_38   O:)

Can I Steal You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon