"Chapter 4"

204 15 16
                                    

JANE's POV

 

Phheeewwww! Relax ka lang Jane! Relax ka lang. Kaya mo yan!

 Tumingin ako sa relo ko.

 Teka 7:45 na ah! Malapit na magring ang bell pero bakit wala pa rin siya? Mahigit 20 minutes na ata akong naghihintay dito sa labas ng classroom nila.

 "Good morning papa Vince! Ayyiieeee napakagwapo mo talaga!" sigaw nung mga malanding babae sa corridor.

 OMG nandyan na siya! Dapat maganda ako hahaha bahala na nga basta ang mahalaga eh dapat magtagumpay ang plano ko!

 Hmmffff nakakainis talaga yang mga babaeng yan. Ang landi-landi kasi! Kanina si Edward ginaganyan nila,  ngayon naman si Vince hahaysstt tsk3! Buti pa gayahin nila ako, stick to one!

 Tumalikod ako para ayusin ang buhok ko at pati na rin ang uniporme ko.

 Nung natapos ko ng ayusin ang sarili ko eh hamarap na ako at hinanda ang sarili ko para isakatuparan ang aking plano.

 Ayan na siya! Malapit na siya sa akin. Omo kinakabahan na ako! Wag kang papalpak Jane! Wag kang papalpak.

 Blag!

 "Okay ka lang ba? Sorry. Masyado ka kasing maganda. Hindi ko na tuloy napansin ang dinadaanan ko." Kinindatan niya ako at pinulot ang mga nahulog kong libro.

 Awoooooooo! magiging lobo na talaga siguro ako sa sobrang kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kapag sinabihan ka ng crush mo na maganda ka diba? Hay naku if I know ganyan rin kayo kaya mabuti pa wag niyo na lang akong pakialaman! Hmfffff bahala na nga kayo jan basta ang mahalaga ngayon ay ang katotohanan na nagtagumpay ang plano ko hahaha!  :P

 "Salamat." sabi ko habang napapacute ng konti. Haha wag nga kayong epal! Minsan lang naman eh.

Teka ano ba tong buhok ko? Masyadong epal, panira ng moment! Umalis ka nga jan buhok sinisira mo yung view eh hmmmfff!

 Inilagay ko sa likod ng tainga ko ang buhok na kanina pa humaharang sa beautiful face ko at sa magandang view.

 Oh ayan wala ng harang! Buong- buo ko ng nakikita ang napakakinis at nakakaadik na mukha ni Vince. Ayyiieeee! Sana naman naaalala niya pa rin ako.

 "Halika hatid na kita sa classroom niyo." sabi niya habang nakatingin sa akin at habang hawak-hawak niya ang mga libro ko na pinulot niya sa sahig. "Teka pamilyar ang mukha mo. Nagkausap na ba tayo dati?"

 "Oo kahapon lang, bago ka umuwi." medyo mahinhin kong sabi habang kinakagat ko yung lips ko.

Hinalikan mo pa nga yung kamay ko eh. Ayyiieeee kinikilig na naman ako!

Can I Steal You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon