"Chapter 8"

133 10 15
                                    

PLEASE DON'T READ THIS CHAPTER YET. I AM STILL EDITING THIS. SORRY FOR THE INCONVENIENCE.

IMPORTANT"  - Inform ko lang po kayo na tatlo ang POV sa chapter na to and PLEASE pakibasa po nung AN ko sa pinakadulong bahagi ng chapter na to. MARAMING SALAMAT PO! :))

@writerAnja I dedicate this chapter to my first ever sissy here in wattpad. I became one of her fans because I truly like her story entitled "Because I'm a Girl". Try  reading it guys! It is a very nice story.  :)

VINCE's POV

"Vince okay ka na ba?" narinig kong tanong ng isang babae habang nadarama ko ang mga luha niyang dahan-dahang pumapatak sa aking mukha.

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata hanggang sa nakita ko ang mukha ng bestfriend kong umiiyak.

"Tumahan ka na nga. Hindi pa ako mamamatay no! Alam mo kung bakit?" Tiningnan ko siya with full assurance na okay lang ako despite sa sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

"Bakit naman?" tanong niya sa akin habang nakapouty lips.

"Eh kasi masasayangan si God na kunin ang buhay ng pinakagwapo niyang creation." sabi ko sa kanya ng nakangiti. Yung klase ng ngiti na chinicheer siya at sinusubukan siyang patahanin mula sa kanyang walang tigil na pag-iyak.

"Hay naku! Magpahinga ka na nga lang. Mukhang napupuno ka na naman kasi ng hangin." Hinampas niya ang braso ko habang sinasabi niya yun sa akin na medyo natatawa.

"Yan ang tama" sabi ko ng may ngiti sa aking labi.

"Ha? Ang alin?" tanong niya sa akin ng may pagtataka. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay at ang kanyang noo naman ay nakakulubot.

"Yang ngiti mo. Hindi mo ba alam na yan ang sikreto ng mga gwapong katulad ko? Kaya hinding- hindi mo dapat kalimutang ngumiti, okay?" Pinakita ko sa kanya ang pinakanakakahalina at pinakamalaki kong ngiti. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ko yung mga luhang dumadaloy sa mukha niya gamit ang dalawa kong kamay.

Pilit kong ibinangon ang aking sarili mula sa aking pagkakahiga. "Aray! Ang sakit talaga ng katawan ko. Lumaban ka Vince! Wag kang magpahalatang nahihirapan ka. Wag mo ng dagdagan pa ang lungkot na nadarama ni Blaire ngayon." sabi ko sa isip ko.

Hinawakan ko ang mga bakal na nakaharang sa left and right side ng bed ko. 

Ano na bang nangyari sa mga pinaghirapan kong muscles? Nakakainis! Kailangan ko pa tuloy hawakan tong mga bakal sa gilid ko para lang makaupo. 

Bigla niyang hinawakan ang balikat ko. "Wag ka munang bumangon" sabi niya sa akin ng may matinding pag-aalalang makikita sa kanyang mga mata.

"Hindi ka pa daw maaaring bumangon sabi nung school nurse. Masyado daw kasing malakas yung pagkabagsak mo sa stage kanina. Kailangan ka pa daw obserbahan." nalulungkot at naiiyak niyang sabi sa akin.

 WILSON's POV

Stick ba tong babaeng to? Napakapayat!

"Hoy! Anong stick yang pinagsasabi mo ha?" Kumunot yung noo at pangit niyang kilay habang ang ibaba niyang labi ay nakapatong sa itaas niyang labi.

"Sino pa ba? Eh di ikaw! Stick! Payatot! Kalansay!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"Aba ang kapal rin ng mukha mo nuh! Pagkatapos mo akong halikan sa stage kanina at sabihin sa  lahat na girlfriend mo ako." Kinagat-kagat niya ang kanyang labi at ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa bewang niya.

"Ano namang meron dun?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin!" Sinipatan ko siya at inilagay ang dalawa kong kamay sa taas ng chest ko.

Bigla siyang napanganga sa sinabi ko at kasabay nun ay nanlaki ang dalawa niyang mata. "Ano?" sabi niya sa akin habang nagkukunwari siya na natatawa. "Ako? Magpapasalamat sayo? Nagpapatawa ka ba?" " Tinuro niya ang sarili niya gamit yung isa niyang daliri.

Lumapit ako ng konti sa kanya. "Miss wala ka bang utak o sadyang bobo ka lang? At saka bakit naman kita papatawanin? Sino ka ba ha?" ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko habang tinuturo ko yung noo niya.

Bugggssshhhhhh!

"Sumusobra ka na!" narinig kong sabi sa akin ng isang lalake kasabay ng pagsuntok niya sa akin.

JANE's POV

Bugggssshhhhhh!

Haha buti nga sayo! Ang sungit-sungit mo kasi.

"Sumusobra ka na!" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Agad kong nilingon ang taong sumuntok sa kanya . . . at tama nga naman ang hinala ko. Si Edward nga.

"Best okay ka lang ba?" Edward cupped my face habang halatang-halata sa mga mata niya na naiiyak na siya sa sobrang pag-aalala.

"Bakit ngayon . . ."

"Nandito na pala ang magaling mong bestfrend . . . at ang lakas naman ng loob mong manuntok" Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi dulot ng suntok ni best.

"Tama lang naman yan sayo nuh! Actually, kulang pa yan!" Inikot ko ang mata ko at inilagay ang dalawa kong kamay sa braso ni Edward.

"Hoy payat! Tumahimik ka nga diyan dahil wala kang alam!" galit na galit niyang sabi sa akin. Nanlaki na ang mga mata niya sa sobrang inis at pinipigilan na lang din niya ang dalawa niyang kamay na manuntok.

"At ano naman ang hindi ko alam ha?" masungit kong tanong sa kanya. Best may tinatago ka ba sa akin?

Tiningnan ko si best at nakita kong nakatingin siya sa ibaba na mukhang problemado. 

"Bestfriend ka ba talaga niya o tawagan lang na walang katotohanan?" insulto niya sa amin.

"Siyempre! Totoong . . ."

"Totoo? Eh hindi mo nga alam ang pinanggagawa nitong fake bestfriend mo!" Lumapit siya at hinawakan ang kwelyo ng polo ni best. Bigla niyang sinakal ng mahigpit si best at sumigaw ng malakas. "Ibalik mo ang girlfriend ko kung ayaw mong mamatay!" 

MagVOTE  naman po sana kayo lalo na kung nagutuhan niyo ang chapter na to para naman po MAINSPIRED akong gawin yung next chapter. PLEASE GUYS! I BADLY NEED SOME INSPIRATIONS! 

KAHIT 15 VOTES LANG para sa chapter na to!  :D 

Pagbigyan niyo na ako.... Minsan lang naman eh     :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can I Steal You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon